James pinabangis muli ang Cavs

Pinakawalan ni LeBron James ang knockout punch sa final second ng overtime, at nanalo rin ang Cleveland.

Tinalo ng Cavaliers ang Minnesota 140-138 Miyerkoles ng gabi sa Quicken Loans Arena.

Determinadong bumawi ang Cavs mula sa talo sa Orlando noong Martes, tinapatan ang ratsada nina Karl-Anthony Towns, Andrew Wiggins at Jimmy Butler ng Timberwolves.

Pero sa dulo ay si James pa rin ang bida.

Nag-inbound ang Cavs lagpas sa half court 1.3 seconds sa orasan, kinuha ni James ang bola at umikot, nag-fade away bago pinakawalan ang 18-foot shot sa harap ni Butler.

Tatlong defenders ng Wolves ang nasa backcourt, malayo sa basket. Naiwang mag-isa si Butler para bantayan si James.

Gagawin lang palang asintahan ni LeBron ang nakaunat na kamay ni Butler.

Pasok ang franchise-record 19 3-pointers ng Minnesota, pero hinayaan din nilang magbaon ng 21 mula sa labas ng arc ang Cleveland. Anim sa 3s ng Cavs ay nilista ni JR Smith, lima kay James, apat kay Kyle Korver.

NBA record din sa most threes (40) ang naipasok ng magkatunggaling teams.

Walang isinablay si Towns sa anim na pukol sa long range, franchise record na ang streak niyang 10 games na may sunod-sunod na 3s – nilagpasan niya ang siyam dati ni Martell Webster noong April 2011.

Wala ring mintis si Butler sa unang walong tira, kumabyos lang sa dulo ng third quarter.

May pinagsamang 75 points sina Towns at Butler, pero sapaw sa ninth triple-double sa season ni James na 37 points, 15 assists, 10 rebounds. Pang-64 na triple-double ito sa career ni LeBron.

“There’s a reason why he’s regarded as one of the best players to play this game,” papuri ni Towns kay LeBron.(VE)