James pinakalma ang mga nagwawala

James pinakalma ang mga nagwawala

Shocked at natigalgal ang lahat ng JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre sa sumabog na balita last Friday na magsasama sa isang TV series sa ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment ang aktor at ang member ng Momoland na si Nancy.

Sa unang labas ng balita ay maraming hindi makapaniwala base na rin sa mga nabasa naming comments. Pero nang makita nila ang mga larawan nina James at Nancy sa story conference ng serye titled “Soulmate” na naganap that Friday din, saka lang parang unti-unting nag-sink in sa kanila ang lahat.

Of course, ang karamihan sa kanila ay ‘nagwala’ lalo na ang mga umaasa at naghihintay ng JaDine project lalo pa nga’t matagal nang walang proyekto ang dalawa together especially sa TV.

“Natigang kami for so long na walang jadine serye, kahit sila lang ang hinihintay na pumayag sa mga naghihintay na offers, kasi ayaw daw ni james at focus muna siya sa music, tapos may ganito pala???!!! Ano rin nga pala nangyari sa sabi ni james na ayaw niya ng another lt???!!!”

“JaDine hinihintay namin, di ung kamukha ni liza!!! Leche, naiiyak ako fir nadine, bwisit!!!”

“Same here di ko maintindihan parang bigla bigla naman ito. Anong nangyari???”

“Kaloka. Parehong di magaling mag tagalog.”

“OMG my Jadineheart.”

“pano na si nadine?”

“Wait what?”

“Yan na ba yun? Momoland signed with abs and nancy doing a series with James. So this confirms that momoland has a low market value.Okay.”

“It’s a big news pero di kami masaya!!!”

“Omg. I feel for nadine.”

Ilan lamang ‘yan sa mga negative reactions ng fans at napakarami pang mga hindi magagandang komento’t tutol talaga sila sa bagong project ni James minus Nadine.

Pero mayroon din namang mga positibong reaksyon at nagkomento na kahit ano pa raw project ‘yan ay susuportahan nila dahil mahal nila si James.

Dahil sa tindi ng reaksyon, nag-trending ang hashtag na #Nadine at #Jadine sa Twitter nang araw na ‘yun kasabay ng pagte-trending ng #Momoland, #Nancy at #JamesReid.

Pero bago pa man tuluyang magwala ang mga fan, kaagad na napakalma ni James ang JaDines nang mag-tweet siya sa Twitter that night ng kanyang “stand” on the matter.

“I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names. I’ve already got one #jadine,” ang tweet ni James.

Tuwang-tuwa ang mga JaDine fans at pinuri-puri nila ang aktor for protecting the love team, and of course, Nadine.

“James!! We are so proud of you, we trust all your decisions because we know that Nadine is also part of that and Yes please no love team names.

“Congratulations with your new project, we will always support you and all your endeavors. #WELOVEJADINE,” ang pahayag ng WeLoveJadine Official.

Jennylyn sinabayan ng ABS-CBN sa anunsiyo

Usap-usapan naman sa showbiz ang pagtapat ng ABS-CBN sa announcement ng GMA-7 on Jennylyn Mercado bilang lead actress ng “Descendants of the Sun”.

Huwebes ng gabi inanunsyo ng GMA-7 na si Jen ang leading lady ni Dingdong Dantes sa “DOTS” at kinabukasan ay nag-first taping day na ang dalawa’t nagkalat na rin sa socmed ang mga larawan nila taken from the filming site.

Ang hula tuloy ng iba ay baka magkatapat pa raw ang “DOTS” at ang “Soulmate” sa timeslot sa Pebrero since parehong Korean related ang dalawang serye.

But from a reliable source, we learned na hindi naman aabutin ng Pebrero ang airing ng “Soulmate” at ieere na rin daw ito agad. May nakapagbulong pa sa amin na ang makakatapat daw ng “DOTS” ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sarah excited kay Milo

Kasama ni Sarah Geronimo bilang bida sa pelikulang “Unforgettable” ang Jack Russel Terrier dog na si Milo na ang mga videos ay viral sa internet.

Conceptualized and co-directed by the multi-awarded and internationally acclaimed director Jun Lana (“Die Beautiful”, “Bwakaw”) and award-winning filmmaker Perci Intalan (“Bwakaw”, “Distance”, “Dementia”), ginagampanan ni Sarah sa “Unforgettable” ang role na Jasmine, a young woman on a journey to Baguio na ang goal ay dalhin ang asong si Happy sa kanyang lolang may sakit dahil naniniwala siyang magiging instrument ang alaga sa paggaling nito.

Ipakikita ng pelikula ang special human-animal bond at iba’t ibang klase ng pagmamahal na tatatak sa puso’t isipan ng mga manonood.

Ang isa pang dapat abangan sa pelikula ay ang mga incredible tricks na ginawa ni Milo who also starred in Vice Ganda’s box office hit, “Fantastica”.

Si Milo ay pag-aari ni Daryl Tristan Huertas who also trained him simula noong 2 months old pa lang siya. At talaga namang napakaraming alam gawin ng wonder dog tulad ng umarteng patay, mag-alis ng medyas ng kanyang master, magmasahe at magdasal bago kumain, would you believe?

Kaya naman hindi kataka-takang lagi raw nae-excite si Sarah (who is also a dog lover by nature) na pumunta sa shooting para makita si Milo.

Showing na sa mga sinehan ang “Unforgettable” sa October 23 at kasama rin sa movie sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial and Gina Pareño.