James pumagaspas, 3-0 tagpas ng Cavs

Glass. Basket. 3-0.

Istorya ng buzzer-beating bank shot ni LeBron James na nagbigay sa Cleveland ng 105-103 panalo kontra Toronto Sabado ng gabi na halos ikasabog na ng Quicken Loans Arena.

Puwede nang walisin ng Cavaliers ang Raptors sa kanilang Eastern Conference semifinals Lunes ng gabi sa Cleveland din.

Pinakawalan ni LeBron ang running one-hander pagkatapos itabla ng 3-pointer ni rookie OG Anunuby ang iskor 8 seconds sa Game 3. Kinuha ni James ang inbounds pass, nag-dribble sa kahabaan ng court at umangat sa left side sa harap ng Toronto bench.

“Tie game, down one,” buwelta ni James. “I live for those moments.”

Sinugod ng mga kakampi si LeBron, makalipas ang yakapan ay tumuntong muli sa scorer’s table.

“I’ve been doing that since I was like six, seven, eight years old,” bida niya. “Maybe even before that. There’s a picture floating around of me beside a Little Tikes hoop with a saggy Pamper on and I was doing it back then and all the way up until now, at 33.”

Tumapos si James ng 38 points, nagdagdag si Kevin Love ng 21 at 16 rebounds, may 18 si Kyle Korver sa Cavs.

Panlimang career postseason buzzer-beater iyon ni James, pa­ngalawa ngayong playoffs at posibleng pinakamahirap na pinakawalan kaya natatawa niyang sabi: “It is very difficult. Don’t try it at home.”