NAGPADALA ng sulat ang Media Relations Assistant ng Summit Publishing na si Jen Bolinao na kinukumpirmang wala munang Cosmo Ba­chelor Bash ngayong taon:

“We are deeply grateful for the love and support you have given Cosmo for the last 19 years.

“We have always cherished and enjoyed your participation in all our events and have learned so much from all of you!

“This year, much to our regret, there will be no Cosmo Bachelor Bash, but please be assured that more fun and fearless events from Cosmo are coming your way.

“And please do enjoy our 2016 batch of the all-new, all-fresh 69 Bachelors and 10 Celebrity Centerfolds in Cosmo Men, free with your September Cosmo issue! Thanks again!”

Ayaw nilang sagutin kung ano ang dahilan ng pagkansela ng taunang event na ito ng Cosmopolitan ­magazine.

Pero ang nasagap naming kuwento ay dahil sa inavailability ni James Reid.

Ayon sa aming source, nag-decide ang Cosmo na ikansela ito dahil sa pag-atras ng major sponsor nilang Century Tuna na ine-endorse ni James.

Maaring nasa usapan nilang mag-sponsor kung rarampa si James. Pero walang maibigay na schedule si James at punung-puno ang buwan ng September.

Baka puwede pa raw masingit sa schedule niya sa October, na hindi puwede dahil nailabas na ang September issue na kung saan si James ang nasa cover ng supplement issue nito.

Kaya waley na muna ang nakaugaling dagsain ng mga kababaiha’t ba­ding na annual event ng Cosmopolitan magazine.

***

Tuluy-tuloy na ang shooting ng pelikulang Enteng Kabisote and the Abangers ni Vic Sotto,­ pero na­laman naming hindi pa raw nakukunan ang mga eksenang kasama si Faye (asawa ni Enteng).

Iyun ang inaabangan namin kung sino na ang gaganap na Faye dahil SURPRISE lang palagi ang sagot ni Bossing Vic.

Si Pauleen Luna ang kinulit namin pero wala rin siyang masagot sa amin.

“Surprise daw talaga kuya. Hindi ko talaga alam,” sagot sa amin ni Mrs. Sotto.

Biniro naming baka siya ang mag-Faye.

“Wala naman akong schedule ng shooting,” natatawa niyang sagot.

Iyun kasi ang isa sa gusto nilang abangan sa pelikula, kung sino ang gaganap na Faye.

Sabi naman ni Pauleen, wil­ling siyang mag-guest sa pelikula kung merong babagay na role. Pero hindi pa raw siya nasabihan ng dyowa niya.

Okay na raw siya na kasali­ ang bunsong kapatid niyang si Migi Luna na gusto na ring pasukin ang showbiz.

Kahit maliit lang ang role, okay na siya para sa ka­patid niya.

One Response