Umaga pa lang sa shootaround, kita na ni Kevin Love na may kakaibang focus si LeBron James.
Dumating ang bagyo sa mismong laro nang magsumite si James ng 43 points, 14 assists at eight rebounds para muling bitbitin ang Cleveland Cavaliers sa 128-110 panalo kontra Toronto Raptors Huwebes ng gabi.
Umayuda si Love ng 31 points at 11 rebounds, may 13, 14 at 15 pa sina George Hill, Jeff Green at JR Smith sa Cavs, ihu-host ang Game 3 Sabado ng gabi.
“This morning you could just sense it,” lahad ni Love, kinapos ng isang puntos sa kanyang playoff career high at 11 for 21 sa field. “He knew what was at stake, he knew us getting another win here was going be huge for us. He came out and he played that way from the jump.”
Napakadominante ni James na kumonekta ng 19 sa 28 attempts, bago natapos ang laro ay kinakantyawan na ang Raptors bilang ‘LeBronto’ dahil inari na ni LeBron ang Toronto. Walong sunod nang tinatalo ng Cavs ang Raptors sa postseason. (VE)