Liyamado si gamefowl breeder James Uy ng Batangas sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series ngayon sa Pasay City Cockpit.

Nanalong runner-up sa 2017 World Slasher Cup 1, umiskor na si Uy ng 5-0 (panalo-talo) sa set A at tangkang umulit sa 3-stag semifinals mamaya.

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang okasyong ito ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA).

Ayon kay LGBA president Nick Crisostomo nitong Huwebes, puwede pang sumali sa set C (elims at semis) sa Pasay Cockpit sa Aug. 19 at 23.

“Entry fee for those who will field straight five stags remains at P7,000,” panapos ni Crisostomo.

May LBC derby rin sa araw na ito sa Cagayan Cockpit, Del Monte Cockpit Arena sa Malabon at sa Bacolor Cockpit Arena sa Pampanga.

Kontakin lamang sa 0945-4917 474 si Erica, at sa 0939-4724 206, 843-1746 at 816-6750 si Ace. (Enjel Manato)