James Yap, NGARAG na sa pagbabantay kay Michela

Michela Cazzola at James Yap

MULING naka-text namin si James Yap kahapon nang umaga, hindi pa rin daw nanganganak si ­Michela ­Cazzola.

Bale overdue na ang schedule ng panganganak ­kaya medyo ngarag na rin si James.
Nang kinumusta namin siya kahapon, tinext sa amin ni James na nasa hospital na sila.

“Two nights na kami dito, two nights na rin ako puyat hehehe!” text sa amin ni James.
Mabuti at wala siyang laro sa PBA, pero araw-araw raw silang nagpa-practice. Kaya nagpa-­practice daw siya ngayong puyat.

Anytime ay manganganak na si Michela, kaya nakabantay lang siya sa hospital.
Ipinagdarasal na lang daw niyang maging safe ang panganganak ng kasintahan niya.

***

Nabasa ng isang bading na radio/TV personality ang blind item namin kahapon.
Na-curious siya kung kilala ba niya ang tinutukoy naming kilalang aktor na pumapatol sa booking dahil type lang nitong makipagtsugihan sa bading.

Pero nagpapa-pay na rin at sayang din dahil sa dami ng mga bading na nagnanasa sa kanya.
Nang nalaman ni bading na radio/TV personality kung sinong aktor itong tinutukoy namin, napamulagat siya.

Knows na knows niya si kilalang aktor dahil meron silang nakaraan.
May namagitan sa kanila kung saan nagkatikiman, pero mabuti na lang at hindi siya siningil.
Syempre, kilala naman kasi siya at desirable din kaya okay lang sigu­ro kay kilalang aktor na makipagtsugihan na walang datung na kapalit.

Ang twist ng kuwento na nasagap namin, kaya nagkaroon ng chance na natikman ni radio/TV personality si kila­lang aktor ay dahil ipinakilala ito sa kanya ni seksing aktres na nakatikiman din nitong bading na radio/TV personality.

Tawa lang nang tawa itong si bading na radio/TV personality sa na-experience niyang tikiman.

***

Kean, Angeline, Eric at Martin
Kean, Angeline, Eric at Martin

Mamaya ang premiere night ng Regal movie na That Thing Called Tanga Na sa Ci­nema 7 ng SM Megamall.
Bale pa-birthday na rin ito ni Mother Lily Monteverde na magsi-celebrate ng kanyang kaarawan.

Hindi lang kami sure kung 67 o 68 years old na siya sa August 19.
Masayang selebrasyon kasabay ng showing ng That Thing Called Tanga Na dahil alay na rin niya ito sa LGBT community na naging malapit sa kanya noon pa.

Sinasabi ng Regal matriarch na hindi pa uso ang LGBT, close na siya at love na love niya ang mga kabadingan.
Kaya type na type ni Mother na may masa­yang pelikula na naman siya para sa mga sirena at diwata.

Inaasahan ang pre­sence ng mga bida ng That Thing Called Tanga Na na sina Billy Crawford, Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto.