RAMDAM namin ang sobrang saya sa boses ni James Yap nang nakausap namin sa telepono kahapon.
Kinumpirma niyang iniluwal ni Michela Cazzola ang baby boy nilang si Michael James kamakalawa nang 6:55 PM sa St. Luke’s Global sa Taguig.
May timbang daw ito ng 6.5 lbs. at normal delivery.
Medyo nahirapan si Michela sa pagli-labor na umabot ng 18 hours. Kaya tinutukan niya nang husto ang kasintahan.
Tuwang-tuwa siyang kinuwento sa aming kamukhang-kamukha ng Daddy ni Michela si Baby MJ nila.
“Natalo ng Italyano ang exotic na dugo,” natatawang kuwento ng kilalang basketbolista.
Nagpasalamat din siya sa Diyos na maayos na nailuwal ito ni Mic.
Binanggit ni James sa isang kaibigan na natutuwa siya dahil itong si Baby MJ daw ang matututukan niya nang husto sa pagpapalaki.
Hindi raw niya kasi ito nagawa sa dalawang naunang anak niya na hindi lumaki sa kanya.
Sabi pa niya, gusto niyang pag-aralin sa Amerika si Baby MJ para doon daw magpakadalubhasa sa larong basketball. Ganu’n siya ka-excited sa kanyang anak.
Ibig sabihin ba niya, si Michela na ang babaeng pakakasalan niya at makakasama forever dahil sinasabi niyang matutukan na niya sa pagpapalaki sa kanilang anak?
“Parang ganu’n na rin siyempre,” medyo alanganin niyang sagot sa amin.
Dagdag pa niyang pahayag, “Yung pagpapakasal naman kasi, nandiyan naman ‘yan, eh.
“Hindi naman kami nagmamadali. Focus muna kami sa baby.
“Understanding naman si Mic eh. Talagang aalagaan namin ‘yung baby kahit anong mangyari.”
Sinundan na namin ng tanong kung naikuwento na ba niya kay Bimby ang pagiging kuya nito.
“Sa totoo lang, wala akong chance. Saka matagal ko nang hindi nakikita si Bimby eh, mga six months na,” medyo naalangan din niyang sagot sa amin.
Pero gusto rin daw sana niyang ipakilala ang baby niya kay Bimby.
“Anytime, pag gusto niya makita. Sa bahay lang naman.
“Hindi ko lang kasi nasabi nang personal sa kanya na magkakaroon siya ng baby brother. Pero wala na tayong magagawa, nandiyan na ‘yan, eh.
“So, kung payagan, okay, di ba?” sagot ni James sa amin.
Hindi rin niya masagot sa amin kung okay sila ni Kris Aquino dahil matagal na raw silang hindi nagkausap.
Mas mabuti na rin daw siguro ang ganu’n para wala nang intriga at tahimik lang.
Baka hanggang Thursday pa raw sila sa hospital dahil kailangan pa ring mag-recover ni Michela. Hindi pa raw nila napapag-usapan kung kailan bibinyagan at kung sino ang mga kukuning ninong at ninang.
Nanamnamin daw muna nila ang pagiging parents kay Baby MJ.
Congratulations kina James at Michela sa pagdating ni Baby MJ sa kanilang buhay!
Basketball player kaya..baka gunting at suklay ang hahawakan yan ..lol
Talunin mo record ni tandang revilla, padamihan ng panganay
PAANO NA YUNG 2 MO PANG ANAK,NGANGA
Am sure lahat tayo di alam ang totoong istorya kaya nganga tayo lahat.