IPINAHAYAG na ni James Yap ang kanyang saloobin na suko na siya sa panunuyo kina Kris Aquino para makahiram lang ng oras sa kanilang anak na si Bimby Yap.

Nang nakausap namin ang sikat na cager sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH kamakalawa nang gabi, nabanggit ni James na nagkaroon daw ng ‘di magandang pangyayari noong huling pagkikita nila ni Bimby.

Ayaw na niyang idetalye kung ano ito pero iyun na raw ang huli at nag-decide na siyang huwag pumunta o makipag-communicate.

Nalulungkot din daw siya na hindi man lang daw niya nasabi nang personal kay Bimby na magkakaroon ito ng kapatid. Hanggang sa pagdating ng baby ni James kay Michela Cazzola na si Baby Michael James, hindi na niya naiparating sa kanyang anak kung gusto nitong makita ang kapatid.

Hindi ba siya gumawa ng paraan na ma-contact si Bimby o makiusap kay Kris Aquino kung puwede niyang hiramin sandali ang kanilang anak?

Sagot ni James, “Ang hirap, eh. Meron ka­sing nangyari nun na hindi maganda rin.

“Wala. Kumbaga, sa totoo lang, gumib-up na rin ako. Parang walang napapatu­nguhan ang effort mo lahat, hindi nade-develop.

“Nag-decide na lang ako na tutal magkaroon din siya ng isip, lalaki rin siya at magkakaroon din siya ng isip sa sarili niya. Hintayin na lang natin ‘yung time na ‘yun.

“Mahirap… mahirap, eh. Kung pipilitin mo, medyo gugulo lang.”

Tila marami pang gustong sabihin si James pero nagpi­pigil na lang siya para hindi na lang daw lumaki pa ang gulo.

Ipinagdasal na lang daw niya na magkaroon din siya ng oras na makasama ang anak niya at masabi niya ang lahat.

Iyun lang daw ang gusto niya, na sana magkakakilala ang mga anak niya para malaman nilang magkaka­patid sila.

Pinag-uusapan na nina James at Michela na baka sa December daw ay pabibinyagan na nila si Baby MJ.

Ine-enjoy muna ng mga magulang ni Michela ang kanilang first apo.

Nandito pa sila ngayon dahil gusto nilang nandito sila sa panganganak ni Michela.

8 Responses

    1. ButI na Lang hindi Nahawa si James kay Kris ng STD. Womanizer? What do you call Kris? Mang-aagaw? Philip had a wife, then Joey M had Alma Moreno. James had a girlfriend. Herbert Bautista had a wife. At least si James hindi nanira ng pamilya.
      Flirty flirty? Mas disente naman kumilos at magsalita si Michela kay Kay Kris. Kris will die alone and lonely.

  1. yan talaga ang plano ni kis kasi gusto niyang palitan ang apelyido ni bimbi na aquino.kasi wala ng susunod sa pangalan ng tatay nila yung si pnoy bading ata kaya di nagka-anak.