Inulan ng batikos mula sa mga Blackpink fan ang aktor at hashtag member na si Jameson Blake. Pagkatapos niyang manega sa paghingi ng libreng artwork, ngayon naman ay ang hindi pagpila sa concert ng all female group na ginanap sa MOA Arena.

Nakunan pa mismo ng isang netizen ang eksena at inilabas ang kaniyang pagkadismaya.

Aniya, “Jameson Blake of Hashtags is here. Lahat ng mga fans naka-pila based sa queue, but look at him. Wala man lang kahirap-hirap. Hindi nagjo-join sa queue? Porket artista? All of us waited an hour sa init at siksikan just to get in line.”

Samantala, halo-halo ang na­ging reaksyon ng mga netizen. May mga nagsabi na kasama na ang hindi pagpila sa pribilehiyo ng mga artista. Katulad din ng mga duma­long artista gaya nila Anne Curtis, Sue Ramirez, Liza Soberano at marami pang iba.

Komento ng mga netizen:
“Afforded sila ng special privilege ng promoter ng concert, more than likely. Blame the guards at ma­nagement ng concert promoter for tole­rating it, too. Dahil kung hindi nila hinaha­yaan, then walang ganyan.”
Meron din na hindi pabor na sa mga bumili ng VIP ticket.

Idinaan naman sa tweet ni Jameson ang sagot niya sa akusasyon, “We got there and showed our queue number. The organizers, guards, the people in charge told us to stay by the side but we were still part the line. We just waited til’ it was our turn to get in. We were just following rules.”