Jameson stalker ni Janella

abante-tonite-jameson-blake-janella-salvador

Si Jameson Blake ang pinaka-cute na ‘stalker’ sa bagong romcom movie ng Regal Films na So Connected. Ang maamo at hindi nakakasawang mukha ni Jameson, pati na ang dimples niya ang kapansin-pansin sa pambagets na pelikula, na napanood namin sa press preview nito sa Gateway Platinum Cinema.

Si Jameson ay si Karter Calma, isang video editor na walang konek sa kanyang girlfriend at napaso na sa social media dahil sa isang video niya na nag-viral before.

Dahil sa isang nawala niyang celfone ay makikilala niya ang karakter ni Janella na si Trisha Biscocho, isang jeje girl na pancit luglug waitress sa Angeles, Pampanga.

Mistulang na­ging stalker si Karter dahil nakikita at napapanood niya lahat ng pics at videos na kinukunan ni Trisha sa phone nito, sa pamamagitan ng isang online photo storage app.

Bukod sa cutie pie ay parang ang bait-bait ni Jameson, so you wouldn’t mind na maging stalker mo siya.

Lalo na ‘pag binigyan ka niya ng purple stuffed toy na elepante at niyaya ka niya sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Bet namin na sabay kaming papasok ni Jameson sa madilim na butas!

In fairness ay kuwela si Janella sa mga jeje English niya, tulad ng hirit niyang, “Leave me away alone!” Aliw ang fans sa mga kakikayan niya with Panti-Panti, ang stuffed toy na bigay sa kanya ni Jameson na kinakausap niya.

May rap song duet sina Janella at Jameson at may eksenang may bahagyang yakap at halik.

Na-highlight dito ang Angeles City, na sa totoong buhay ay hometown ng tisoy na Hashtags member.

After the movie ay nag-crave kami sa pancit luglug na paboritong orderin ni Jameson kay Janella at sa ginilu (Kapampangan na ‘samalamig’) na madalas inumin ng dalawa.
Ngayon ang opening ng ‘So Connected’ sa mga sinehan nationwide.

Tito Sen magbabakasyon sa ‘Eat Bulaga’

Tama lang na magbakasyon muna si Senator Tito Sotto sa Eat Bulaga ngayong siya na ang bagong halal na Senate President.

Ang sabi ni Tito Sen ay mag-uusap pa sila nina Vic Sotto, Joey de Leon at big boss ng EB na si Mr. Tony Tuvera, pero ang dinig namin ay pa­hinga muna siya sa lo­ngest running noontime show.

Siyempre ay very proud kay Tito Sen ang mga dabarkad niya dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang comedian, musician at TV host na katulad niya ay magiging Pangulo ng Senado?

Ang posisyon na ‘yon ang third highest in the land after ng President at Vice-President, kaya dapat lang na dito mag-focus si Tito Sen at huwag muna siyang mag-TV.

Overwhelming ang pagkakapili kay Tito Sen ng majority ng mga senador para maging kapalit sa puwesto ng nagbitaw sa nasabing posisyon na si Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

Bago siya nahalal na Senate President ay nanilbihan si Tito Sen bilang majority floor leader ng Senado.

May naglabasan agad na memes na ginagamit na punchline ang pagiging Escalera Brother noon ni Tito Sen sa Iskul Bukol, pero siguradong deadma lang dito ang Senator-TV host.

***

Jennylyn at Tom enjoy sa action
Ipinagmalaki ni Tom Rodriguez na wala siyang stunt double sa mga mahihirap na eksena niya sa Kapuso primetime series na The Cure.

Kahit napapasabak sa maaaksyong eksena ay enjoy si Tom sa ginagawa niya, gaya rin ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado na bet ding mag-aksyon-aksyon.

Mas nagiging kaabang-abang ang mga tagpo sa nasabing ‘epidemicserye’ dahil parami na nang parami ang infected ng Monkey Virus Disease at manganganib na ang Tent City.
Napapanood ang The Cure gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad!