MAGDIRIWANG si Jamie Rivera ng ika-30 taon sa showbiz sa pamamagitan ng Hey It’s Me, Jamie! 30 Years The Concert na magaganap sa Music Museum sa Setyembre 8 (Biyernes) nang 8:00 PM.

Ang tatlong dekada niya sa showbiz ay markado ng iba-ibang klase ng awitin — love songs, awitin para sa anak at pamilya, at inspirational songs.

Ayon sa Inspiratio­nal Diva, “Mahalaga ang constant reinvention sa ating sarili, lalo na para magamit ang talents na ibinigay ng Diyos.

“Ibinabalik ko rin sa Kanya ito dahil sa ­blessings at pagmamahal na galing sa Kanya, nandito pa rin ako pagkatapos ng 30 taon.”

Sasamahan si Jamie ng mga kaibi­gan sa industriya tulad ­nina Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine ­Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason ­Zamora at Joshua Zamora.

Tampok din dito sina Jona, Klarisse, Bailey May at Janella Salvador.

Kabilang sa inspirational songs ni ­Jamie ang Tanging Yaman, Tell The World of His Love, Hiram Sa Diyos, Jubilee Song, at ang theme song para sa pagbi­sita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015, ang We Are All God’s Children.

Pinasikat din niya ang mga awiting I’ve Fallen For You, Pangarap Ka Na Lang Ba, at Hey It’s Me.

Mabibili na ang tickets sa Hey It’s Me, Jamie! concert sa hala­gang P3,500 (VIP), P2,500 ­(orchestra), at P1,000 (balcony). Ang mga inte­resadong manood ay ­maaaring ­tumawag sa Ticketworld sa nume­rong 891-9999 at sa ­Music ­Museum sa 721-6726.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.