Engaged na si Jana Victoria sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Nakilala noong araw si Jana nang i-launch sila ni Piolo Pascual sa pelikulang Lagarista.

Pinag-usapan ang kanyang lovelife nang maging boyfriend niya si Dominic Ochoa.

Sa ngayon, under Viva Ar­tists Agency si Jana at bukod sa ilang showbiz works, may sa­rili na siyang business.

Kuwento ni Jana, sa Boracay nag-propose sa kanya si Gino Lao sa mismong birthday nito noong Linggo.

Wala raw ka-idea-idea si Jana na magpo-propose na sa kanya si Gino no’ng araw na ‘yon.

“I really don’t have an idea he was going to propose. We planned Boracay because it was his birthday.

“And he told me to reserve restos I want. So wala, it’s not obvious talaga.

“During dinner last Saturday, he was going to propose na, birthday salubong, but we were all sleepy na before midnight, so, hindi niya nagawa.

“It happened Sunday sunset na, during his birthday na. His sister Joana, good friend Atty. Dionne Sanchez and Dr. Mark was with us.

“On his birthday, after lunch we stayed outside and waited for the sunset. While waiting, me and my daughter (may anak siya sa dating boyfriend), lumangoy at nag-paddle kami.

“Pero nilaglag ako ng daughter ko, so, bu­malik ako sa tabi ni Gino at umupo na lang kami.

“Then he told me, ‘Hon, pa-picture tayo na kita ‘yung sunset. He ask me to sit down para kita ‘yung sunset and he was seated in front of me.

“I sat down beside him, and that’s the time he asked me. Doon na siya nag-propose.

“Ang daughter ko, alam na pala, 4 months na. She told me after na that she wanted to tell me already and she can’t keep it anymore na raw.

“Lucky she can keep a secret, kaya wala nga talaga akong alam,” sey ni Jana.

Inimbitahan din ni Gino sa Boracay ang nanay niya at dalawang kapatid na babae, pero hindi puwede ang mga ito, kaya hindi nila na-witness ang marriage proposal sa kanya ng ngayon ay fiancé na niya.

“I am still in cloud 9 up to now and God is so good. Perfect timing ‘yung proposal ni Gino and everything fall into place.

“I am glad to share this to you. I will keep you posted for our wedding and I am inviting you to our wedding day

“We plan big celebration on August 18, 2018 sa Baguio!” sey pa ni Jana.

Sa last week ng Set­yembre ay magpapakasal na sila, pero civil daw muna.

***

KAGABI lang nakabalik ng bansa ang Eat Bulaga hosts mula sa ilang araw na bonding sa Japan, pero live na uli ang show ngayong araw na ito.

Nag-enjoy at nakapagpahinga sila sa Japan, kaya lahat ay back to “duty” na ngayong araw na ito.

Ang pinaka-enjoy sa bakasyon na ‘yon sa Japan ng Dabarkads ay ang “bunso” nila na si Baeby Baste.

Siya ang parang baby ng lahat dahil kahit kasama niya ang kanyang Mommy Shiela, lahat ay enjoy na enjoy alagaan ang bata.

Nakakaaliw ang postings ng Dabarkads sa social media tungkol sa bakasyon nila sa Japan, pero pinaka-creative sa lahat si Joey de Leon dahil may tag pa siya na, “Isang Banzai… Eat Buraga!” na hango sa ly­rics ng theme song ng kanilang noontime show na, “Isang bansa… Eat Bulaga!”