Jane bagong dyowa ni Paulo

Bago pa magdabog ang collective bangs nating lahat at mapagplanuhan nating magurlisan si Jane de Leon, for reel lamang ang pagiging magdyowa nila ni Paulo Avelino, sana naman talaga, huh! Or else! May pagbabanta talaga? As If! Hahahaha!

Si Avelino ang leading man ni Jane sa Jerrold Tarog’s “Darna”. Sa true lang, noon pa man, kinutuban na akong si Paulo ang kanyang magiging kapareha lalo na nga’t buo ang pananalig ni direk Jerrold sa kakayahan nito bilang mahusay na aktor. Alam na alam nating lahat na ang bida sa “Goyo: Ang Batang Heneral” ay ang URIAN winning actor. Sigurado naman akong alam niyo iyan, hindi ba naman?

Ang pagtataka ko lang, hindi ba masyadong “petite” si Jane para kay Paulo na medyo katangkaran? Ang millennial Narda, may apple box bang tutuntungan para magmukhang hindi naman siya masyadong kaliitan ‘pag katabi o ka-eksena si Avelino? Isa pa, hindi ba parang relatively mature na ang Avelino kung age nila Jane ang pag-uusapan?

Hindi ba puwedeng halos kaidaran ni De Leon ang maging leading man niya?

Maliban kay Paulo Avelino, sino pa nga kaya ang ibang major, major surprises sa “Darna” casting? Sa roster of mga iconic kontrabida, sino kaya ang napipisil ni direk Jerrold na makatungggali niya, si Valentina, ang babaeng Lawin, ang babaeng Impakta, ang mga Higante o ang mga Planet Women?

Ngayong si Paulo na nga ang leading man ni Jane sa “Darna”, huwag sanang marahuyo ang hitad kay Avelino dahil kung mahuhulog ang loob niya rito at magiging sila, ang team Gurlis, handang-handa na para sa kanya. Ang savage! Hahahaha!

Vice nakaamba na ang pagkalaos

Aminin niya man o hindi, ang Queen Bayot, tiyak na ininda at nasaktan sa katotohanang ang “Gandang Gabi Vice” na ilang taon ring namayagpag sa late time slot nito, ay sinibak na.

Magkasunod na pangyayari sa kanyang karera na kung hindi siya magpapakaplastik, siguradong kinawindang niya. Hindi ang pelikula niya ang nagreynang uri sa takilya sa MMFF.

At ang katapat ng “GGV” kung saan ang mga main host ay isang baklang totoong may dyowang pangmalakasan at pangmatagalan na at nagpapanggap lamang na bakla ang siya pa lang magpapalubog sa kanya sa kangkungan at kalabasahan.

Double whammy! Dobleng sakit? Dobleng pagngalngal na hindi niya puwedeng ipakita at ipagsabi sa lahat?

Ang dyowa niya kayang si Ion Perez, nasa tabi niya sa tuwing malayo ang kanyang mga tingin na parang may tinatanaw? Humihikbi rin kaya si Jose Marie? Umaatungal? Nagtataka? Natatakot na baka spaghetting pababa na nga at hindi na pataas pa ang kanyang karera?

Palaos na nga si Vice Ganda? Magkaka-alaman na kung ano ang magiging sagot sa tanong kapag ipinalabas na sa telebisyon ang bago niyang palatuntunan na isang singing comedy show yata na ang target eh sa Marso ipapalabas.