Janella ‘di trip ni Joshua maging GF

Nilinaw ni Joshua Garcia na magkaibigan lang sila ni Janella Salvador na naging kapareha niya sa katatapos lamang na seryeng “The Killer Bride”. Dito nabuo ang kanilang magandang samahan at dito rin nagsimula ang tsismis na baka nagkaka-develop-an na sila.

Sa panayam kay Joshua sa “Tonight With Boy Abunda”, tinanong siya ni Kuya Boy tungkol sa isang panayam niya in the past kung saan ay sinabi niyang kung may mamamalin siya habang-buhay ay si Janella ito.

Sagot ni Joshua, more than a girlfriend, ang gusto raw niya ay maging kaibigan forever si Janella.

“Sobrang close lang talaga namin na magkaibigan. And nag-post din ako ng picture para malaman din ng lahat na magkaibigan kami.

“And then, siguro nu’ng last day, kaya parang may ‘something’ sa amin kasi sobra lang naming mami-miss ‘yung isa’t isa.

“Si Janella kasi, siya ‘yung friend ko na katulad ko, parang ako. Ang dami naming similarities. Gusto ko siyang maging kaibigan habambuhay. More than maging girlfriend,” sey ni Joshua.

For sure ay hindi nagustuhan ng JoshNella fans ang sagot ni Joshua.

Jas dedma sa pagseselos ni Bianca

Ayaw nang masyadong magsalita ni Jasmine Curtis tungkol sa pagkakadamay niya sa napabalitang away nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa parking lot last November, 2019.

“That’s their relationship, you know,” sey niya nang makatsikahan namin sa presscon ng bagong serye, “and people will always drag people into other people’s messes.”

Basta ang importante raw ay alam mo kung saan ka nalugar.

“It’s just knowing your place, and being confident knowing who you are, what you really involved in, and kung hindi ka naman involved sa drama nila, you know, just stay away from it, like kebs!”

Hindi naman siya na-bother that time sa issue?

“Nah, it’s not my relationship to be bothered about, ‘di ba? I don’t let it consume me kasi sa kanila na ‘yan, eh. It’s theirs to fix and if they have a problem, then, sila ang mag-usap.

“And same naman with me. If kami ang magka-problem ng boyfriend ko, ayoko namang may nadadamay na ibang tao, sa news or sa media. Kasi, kawawa rin ‘yung taong ‘yun.

“I know the feeling. I felt it many times in this industry. But yes, part of the industry and you just get used to it. More than anything, alam mo naman ‘yung katotohanan, so, huwag ka na lang magpadala, ‘di ba? ‘Yun lang,” she said.

Natanong din namin kung nag-apologize ba si Ruru sa kanya sa pagkaka-drag niya sa issue at ayon kay Jasmine ay ang aktor na lang daw ang tanungin tungkol dito.

Matatandaang naging issue silang tatlo nina Ruru at Bianca dahil sa balitang nag-away ang dalawa sa parking lot after the premiere night of “Cara X Jagger” na movie ng aktor at ni Jasmine.

Diumano ay nagseselos si Bianca kay Jasmine kaya nag-away ang dalawa at muntik pa raw sagasaan ng una si Ruru.

Anyway, itinanggi naman ito ni Ruru kaya namatay din naman agad ang issue. Aniya sa kanyang panayam ay wala naman daw ganitong nangyari.

***

Matatapos na pala ang pinagagawang bahay ni Rocco Nacino na aniya ay dream house na niya. In fact, ito na raw ang magiging bahay niya at ng kanyang mapapangasawa.

As we all know ay may girlfriend si Rocco, ang volleyball player na si Melissa Gohing. Two years na ang relasyon nila at bilang 32 years old na rin siya, natatanong na rin siya kung kailan siya lalagay sa tahimik.

“Concentrate muna ko rito sa DOTS. And we have to finish the house also. Doble raw ang gastos ‘pag interior na,” natatawa niyang sabi.

At pag-amin nga niya, pinagawan na raw niya ng dalawang kuwarto ang kanyang magiging anak in the future.

“May nakaalay nang 2 kuwarto for the future anak. Kapag dumating na ru’n. Hindi ko rin alam kung ilan. Pero nag-allot na ako ng 2 kung sakali. Kung marami, mag-share na sila ru’n, bahala sila,” natatawa niyang sabi.

At alam na niya kung sino ang ititira niya?

“I mean, hindi naman ako malungkot sa buhay ko ngayon. If it goes there, it goes there. Pero maganda, stable ang lahat, tinatapos ko lahat ng kailangan kong tapusin.

“Sabi ko sa kanya, ‘gawin mo rin ang lahat ng gusto mong gawin, if you wanna play how many years, gawin mo.’ Para no regrets, ‘di ba?” sey pa ni Rocco.