PAK!
Allan Diones

At least ay hindi nag-deny si Janella Salvador nang tanungin siya tungkol kay Markus Paterson.

Ang sagot ni Janella ay “What you see is what you get,” na good as admission na rin na sila nga ni Markus.

Parang ang hirap naman kasing i-deny dahil kung saan-saan sila napagkikita together at nag-abroad pa sila ni Markus, na spotted siyang pinipiktyuran ito sa loob ng train sa Japan.

Ayaw na raw magsalita ni Janella tungkol sa kanyang personal life, malamang dahil sa hindi kagandahang ending ng relasyon nila ni Elmo Magalona.

But at least, naka-move on na siya at may bago nang nagpapasaya sa kanya sa katauhan ng Fil-Brit na binata.

Pati sa kanyang career ay moving on na rin si Janella dahil after 3 years ay may teleserye na siya ulit.

Kapareha niya ang kaka-break lang sa close friend niyang si Julia Barretto na si Joshua Garcia sa “The Killer Bride” ni Maja Salvador.

Ang ex ni Janella na si Elmo ay may bagong serye na rin. Kasama ito sa military series ni Ge-rald Anderson na “Take Life,” na balitang papalit sa “The General’s Daughter” ng newly-engaged na si Angel Locsin sa September.

Pagdidirek ni Xian huhusgahan
na kung may ‘K’

Exciting na naman ang Cinemalaya filmfest this year, na ang cast at filmma-kers ay ngayong tanghali ihaharap sa media sa CCP.

Isa sa inaabangan namin sa 15th edition ng Cinemalaya ay ang “Fucc Bois” ni Direk Eduardo Roy Jr. (ng “Pamilya Ordinaryo”) na pamagat pa lang ay kontrobersyal na.

Ang alam namin ay hindi dumadaan sa MTRCB ang mga pelikulang ipinapalabas sa Cinemalaya, so puwedeng mapanood nang walang putol ang mga kapangahasan sa “Fucc Bois.”

Mapangahas din sina Mylene Dizon at Kit Thompson sa May-September affair ang tema na “Belle Douleur (Beautiful Pain)” na directorial debut ng award-winning producer na si Atty. Joji Alonso.

Bet din naming mapanood ang “Iska” ni Direk Theodore Boborol (ng “Vince and Kath and James”) at ang “Ward” ni Direk Thop Nazareno (ng paborito naming “Kiko Boksingero”).

Huhusgahan rin dito ang directorial debut ni Xian Lim na “Tabon” at malalaman natin kung may karapatan nga bang magdirek ang nobyo ni Kim Chiu o wala.

Mauunang mapanood ang Cinemalaya 2019 sa CCP mula August 2 to 11. Delayed nang ilang araw ang theatrical run nito sa Ayala and Vista Cinemas (sa Metro Manila at ilang piling probinsya) mula August 7 to 13.

After ng presscon ng Cinemalaya ay ang Metro Manila Film Festival committee naman ang sunod na mag-a-announce ng apat na napili nilang full-length scripts para sa MMFF 2019 sa Disyembre.

So far, ang maiingay na may aspiring entries na may big stars sa cast ay sina Vice Ganda & Anne Curtis, at si Coco Martin with Jennylyn Mercado & Ai Ai delas Alas.

Ang dinig namin ay meron din sina Vic Sotto & Maine Mendoza, hindi lang namin sure kung sino ang kasama nina Bossing at Menggay, na last year ay ka-join sa movie ni Coco.

Sunod-sunod ang mga film festival. After Cinemalaya and MMFF ay FDCP naman ang mag-a-announce ng second batch of entries para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.