Janella, Markus nagpakaligaya sa Boracay

Bago pa mapa-oh my gosh, walang sound na tumili at ngumawa in a major, major way ang mga bagong nahihibang na JoshNella, oo, nasa Boracay nga kamakailan sina Janella Salvador at Markus Paterson, pero hindi sila magkasama. Ayan ha, mahimasmasan na kayo, huh!

Nagtampisaw si Janella kasama ang kanyang set of friends. Si Paterson naman, nagtampisaw rin kasama ang kaniyang mga ka-trip sa Boracay. Kung saka-sakaling nag-krus ang kanilang landas, silang dalawa lamang ang may alam. Pambihrang pagkakataon nga lang talaga na kung kailan pinaputok ang balitang hiwalay na sina Salvador at Markus, saka may sighthing ang dalawa na nasa la isla bonita that is Boracay.

Sa drama serye at sa pelikula lamang nangyayari ang mga coincidental meetings at secret rendezvous .

So,ang pag-asa na nagkasalubong ang dating malapit sa isa’t-isa, is almost next to impossible. Maliban na nga lang kung ang Sansinukob, itinakda na sila ay magkita, magkausap, magkapaliwanagan at muling ibalik ang kanilang closeness.

Parang hindi naman ganoon ang naganap. Ang getting closer you and I nga ay si Salvador at si Joshua Garcia, maski itanong pa natin kay Maja Salvador.

Mocha kinakana si Coco

Dahil nga wala na talagang sumeseryoso kay Mocha Uson sa fake news na kanyang pinalalaganap, si Coco Martin naman ang kinakana.

Juice colored! Kung ang matandang action star na bordering na on has been-hood, si Robin Padilla, hindi nga pinatulan ni direk Rodel Nacancieno, asa ka pa talaga Aling Uson na papatulan niya ang pasaring mo? Mataas ang paggalang at respeto ni Coco sa mga kababaihan kaya magpasalamat ka na babae ka pa rin talaga,

Nakapagtataka at tunay na nakakatuliro ang biglang naging matimtimang birhen ang drama ni Uson, huh! May post ito sa blog niyang walang katulad na: “Tulad ng salitang disente, nagbago na rin ang ibig sabihin ng ‘in the service of the Filipino’ or baka naman serbis…”

Walang kaduda-duda, at sigurado ang diva that you love na hindi eksaherado ang aking imahinasyon na ang parunggit ni Mocha ay tungkol sa pelikula dati ni Martin, ang “Serbis,” na si Brillante Mendoza ang nagdirehe.

Kung gusto niyong malaman kung tungkol saan “Serbis” at bakit naging kontrobersyal ito, para naman ang brain cells niyo ay magtrabaho at madagdagan ang inyong kaalaman sa mga bagay-bagay tungkol sa “matitinong” pelikula, pakihanap na lamang po sa paborito niyong search engine.

Busilak na busilak bigla si Mocha na tila walang nakalipas at kagawiang nakakawindang at hindi pwedeng itanggi na ang mga pelikulang kanyang pinagbidahan o baka nag-cameo lamang siya, ay pawang malilibog lamang ang nakapanood at sumusuporta.

Ano ba body of work niya bilang “aktres” na pwedeng itapat man lamang sa “Serbis” ni Coco Martin na kasama sa pelikula ang mga tulad nina Gina Pareno, Jaclyn Jose at iba pang dekalibreng mga artista?

Kung may mapangahas mang eksena sa pelikula si Nacancieno, ginawa niya iyon dahil siya ay tunay na alagad ng sining, actor siya in the truest sense of the word at hindi niya ito ginawa na ang intensyon ay para mapag-init at madarang ang mga manonood. May dahilan at nasa tamang konstekto ang eksena. Ipinapakita nito ang realidad ng buhay ayon sa bisyon ni direk Brillante.

Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga ginagawa mo dati dahil baka maakusahan akong dinudurog ko ang pagiging babae at pagkababae mo. Ang gusto ko lang ipuntos, ang pagpapasaring kay Martin ay wala talaga sa hulog, katwiran at katinuan,

Ano ka ba kung ikukumpara sa nag-iisang Coco Martin? Si Rodel, maliban sa pagiging actor, director, at producer, tumutulong sa kapwa niya artista at tunay na nangangailangan. Eh ikaw, Mocha, ano na ba ang tinutulong mo sa sambayanan Yung trabaho mo sa OWWA ang atupagin mo, pwede ba?

Juice colored! Barakong kape ang laklakin mo please para nerbiyusin ka.
Huwag mo na idamay pa si Coco Martin sa krusada mong walang kawawaan.

Alex, Miguel, bati na

Ayan ha, cuentas claras iyan, ang pagbabating iyan, hindi yung they are jacking off each other kundi nagka-ayos na ang studlet at bisexual poster boy Alex Diaz at si coach Miguel Chanco.

Si Chanco ang fitness instructor na may indecent proposal umano dati si Alex at ang lalaking ring ito ang dahilan kaya inamin ni Diaz ang kanyang bisexuality.

Abangan na lang natin ang working out videos nilang magkasama at kung ano-ano pang extreme exercises ang kanilang pagsasaluhan.