Janella, Marlo nanamlay ang career nang maghiwalay

MILDRED BACUD: Matapos maghiwalay ang loveteam nina Marlo Mortel at Janella Salvador ay muling magsa­sama ang dalawa. Special guest ang young actress sa first major concert ni Marlo titled “Immortalized”, na gagana­pin sa Music Museum this October 26. Marami sa mga fan nila ang nabuhayan ng loob na posibleng mabuo muli ang kanilang tambalan. Buwag na rin kasi ang ElNella (Elmo Magalona-Janella), mula nang napabalitang nag-break na ang dalawa at may isyu pa ngang nagkasakitan umano.

Hudyat na raw kaya na ibalik muli ang tambalang MarNella. Sa ­is­yung ito ay bukas ­naman daw sa posibi­lidad si Marlo. “Oo naman. Ne­ver naman ako nagkaroon ng issue with her or with anyone else kaya kung sino man ‘yung gusto i-pair with me, it’s okay.”

Mga friend, sa palagay n’yo kapag binalik ang MarNella ay babalik ba ang sigla ng tamba­lan nila? O, okay na lang na wala nang loveteam? Sa tingin ko lang kasi mula nang maghiwalay ang MarNella ay pareho nang nanamlay ang ­career ng dalawa.

ROMMEL PLACENTE: Sa tingin ko, mas magandang magsolo na lang si Janella. Kaya ni­yang sumikat na hindi dedepende sa loveteam. Talented naman kasi siya. Mahusay siyang umarte, kumanta at sumayaw. Nasubukan na rin naman niya ang magkaroon ng ka-loveteam, na una nga ay si Marlo, na sumu­nod ay si Elmo. Nanghinayang nga lang kami na binuwag ang loveteam nila ni Marlo to think na tanggap ng mga fan ang loveteam nila.

‘Yung unang pelikulang pinagtambalan nga nila mula sa Regal Films titled ‘Haunted Mansion’ ay naging matagumpay sa takilya nu’ng ipalabas ito sa Metro Manila Film Festival. Nu’ng ipareha naman si Janella kay Elmo ay hindi tanggap ng mga fan ang love­team nila. ‘Yung unang serye na ginawa nila together, ‘yung “Born For You” ay hindi maganda ang naging rating mula nu’ng unang ipalabas ito hanggang mamaalam sa ere. Kaya nga tsinugi na agad ito.
Ngayong buwag na rin ang loveteam ng ­ElNella, ibig lang si­gurong sabihin nito na hindi na dapat o kaila­ngan pa ni Janella ng ka-love­team, magsolo na nga lang siya, ‘di ba?

RODEL FERNANDO: Maganda naman kung tutuusin ang pagbabalik-tambalan nina Marlo at Janella pero sana hanggang concert na lang. Totoo ka, kaibigang Rommel. Sana magsolo na lang si Janella. Kung after ng concert ay may balak na pagsamahin silang muli sa project, TV man at pelikula, ay huwag nang ituloy.
Sa totoo lang, humina ang popularidad ni Janella mula nang itambal siya kay Elmo. Hindi rin ganoon kainit ang career ni Marlo. Baka mag­hatakan pa sila pababa. ‘Yung dating kasikatan kasi ni Janella ay biglang nawala.
Marahil, may mga bagay na dapat ayu­sin ang dalaga at humahawak ng kanyang career niya. Isa ako sa bilib sa kanya dahil magaling si­yang umarte at kumanta. Narating na nga niya ang tuktok ng tagumpay at nakakapanghinayang kung ito ay mawala.

Para naman kay ­Marlo, push pa more sa kanyang career. Ang bait pa naman ng batang ito at ma-PR. Mas mabu­ting magsolo na lang siya at lalo pang tutukan ang kanyang singing career. Ito ngang nalalapit ­niyang concert ay siguradong marami nang nag-aabang sa kanya. Good luck na lang!

RONALINE AVECILLA: Trulala, mas mabuting huwag na lang itali sa loveteam si Janella. Dahil talented naman siya ay kayang-kaya niyang painitin ang career niya na na­namlay after ng napa­balitang break-up nila ni Elmo. Parang Maja Salvador lang ang peg, ‘di ba? Hindi tinali sa loveteam pero sikat dahil sa pagi­ging versatile actress niya.
Keri naman ni Marlo magsolo lalo na at magaling siyang singer. Although, hindi maitatanggi na mas lalo siyang sisi­kat kung ipapares siya kay Janella. Malalaman natin kung magiging matunog ang dalawa sa concert ni Marlo. Malay natin bet pa rin sila ng mga fan kapag pinagsamang muli.