KSP (kulang sa pansin) ba ang ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio?
Super-react ang netizens sa recent Twitter rants ni Jenine na pawang pasaring sa anak nitong Kapamilya young star.
Base sa tweets ni Jenine ay nuknukan ng tigas ang ulo ni Janella at hindi ito marunong sumunod sa mga sinasabi niya.
Ayon sa singer-actress na dating nag-Miss Saigon sa London, dalawa lang ang basic rules niya, na madadali lang naman, pero hindi magawa ng anak niya ang mga ito.
Hindi malinaw kung anu-ano ang mga ‘yon, pero malinaw na may hidwaan ang mag-ina at sa social media pinili ni Jenine na maglabas ng sama ng loob nito.
Kahit saang anggulo tingnan ay masagwa na ang isang nanay ay pinarurunggitan ang kanyang anak sa publiko na nababasa ng lahat, gayong puwede itong gawin privately.
Sari-sari ang reaksyon ng netizens sa mga emowt ni Jenine, na masipag magsasagot sa mga nagku-comment at patol pa more.
Katwiran ni Jenine, kung sinuman ang nasa posisyon niya ay maiintindihan ang ginagawa niya.
May sinabi pa siyang ‘harmless’ ang mga tweet niya, pinapahaba lang daw ng netizens ang isyu.
Samantalang siya itong sagot nang sagot sa mga tweet, na kung hindi niya ine-entertain ang mga ito ay hindi na hahaba pa ang usapan.
Antipatika ang dating ng madir ni Janella sa pakikipagsagutan nito sa social media, na hindi na bago dahil nag-rant na rin ito noon sa Twitter.
Kung dati ay tila ang ka-loveteam ni Janella na si Elmo Magalona ang pinatututsadahan ni Jenine sa cryptic tweets nito (na hindi raw patungkol kay Elmo), ngayon ay si Janella ang diretsong tinutumbok ng mga arya ng madir nito.
19-anyos na si Janella at may sarili nang pag-iisip, pero para bang napakasuwail nitong anak kung pagbabasehan ang mga emowt ni Jenine.
Ang dami tuloy awang-awa sa dalaga dahil ayaw paawat ang madir nito, na busy raw sa ibang bagay pero ang hilig mag-rant sa social media.
Walang ama na matatakbuhan si Janella dahil matagal nang hiwalay ang mga magulang niya. Hindi rin sila close ng tatay niyang si Juan Miguel Salvador.
Walang anumang tweets si Janella hinggil dito, pero ang ka-loveteam niyang si Elmo ay nag-tweet ng, “Stop bullying her.”
Maraming natuwa sa simpleng hirit na ‘yon ni Moe sa Twitter, lalo na ang ElNella fans na buo ang suporta sa dalawa.
Ang dinig namin ay medyo irita na rin ang Star Magic kay Jenine dahil sa ginagawa nito kay Janella.
Sana lang ay huwag tuluyang magwala at magrebelde ang Kapamilya young actress dahil sa istilong ito ng kanyang ina.
Normal lang sa magulang na protektahan yung anak nya hindi k yata naging magulang writer ka isip mo lang kumita ng pera bwisit ka aning utak meron ka ha sana nd na dumami urak na ganyan pwe
PERO DON’T DO IT IN PUBLIC