Janella, pinapa-happy si Elmo

Elmo Magalona at Janella Salvador
marlo-janella
            Marlo at Janella

REUNITED ang MarNella loveteam nina Janella Salvador at Marlo Mortel sa Mano Po 7: Chinoy na pre-Christmas offering ng Regal Films.

Medyo matagal na hindi nagkasama ang dalawa dahil kay Elmo Magalona na ipinapareha si Janella ng ABS-CBN.

Sey ng Kapamilya young actress, wala pa ring pagbabago sa kanila ni Marlo, ganu’n pa rin, close pa rin sila. Walang awkwardness at walang tension.

Na-miss din ni Janella si Marlo and she enjoys working with the two.

Kahit marami nang fans ang ElNella loveteam ay nandiyan pa rin ang loyal supporters ng MarNella loveteam, na natuwa na magkasama ulit ang dalawa sa big screen.

Mukhang nagkakamabutihan na sina Janella at Elmo. Kumusta na ba sila ni Moe?

“Mas close na kami ngayon. Siyempre kasi, nakaka-bonding namin ang isa’t isa everyday,” sey ng 18-anyos na dalaga.

Nanliligaw ba sa kanya si Elmo?
“Hhmm… hindi naman,” nakangiting sagot niya.

Pero may chance na sila ni Moe kung sakali dahil break na ito sa nobyang si Janine Gutierrez.

“I don’t want to think of it that way, syempre. Kasi, fresh pa rin (‘yung breakup) and of course, I feel for both of them.

“It’s very hard to go through a breakup. Nandito lang ako to support him and I’m always the one who’s trying to cheer him up. So far, ‘yun pa lang naman.”

Paano niya natulungan si Elmo sa pinagdaanan nito?

“Wala, dyinu-joke-joke ko siya. Siyempre, ‘pag may kailangan siyang ikuwento, I always tell na I’m always here to listen to him and I’ll always be a friend.

“Kasi, ‘yun nga, pinapa-happy ko lang siya. I try to cheer him up.”

Mas nagkaroon ng hope ang ElNella fans na maging totohanan ang sa kanila ni Moe dahil wala na itong commitment at free na ito sakaling mainlab ito sa kanya.

“‘Yun nga, sila… Ha! Ha! Ha!”
Posible naman ‘yon na magkainlaban sila, ‘di ba?
“We’ll see. If it happens, it’s gonna happen.”

***

Katabi ni Janella si Marlo habang katsika namin siya kaya tinanong namin ito kung anong mapi-feel nito sakaling maging sina Janella at Elmo.

“Susuportahan ko siya, siyempre. Basta ba masaya siya, eh,” mabilis na sagot ni Marlo.
“It’s too early to tell,” sundot ni Janella.

Totoo raw na masaya si Marlo para kay Janella dahil fan din siya ng ElNella loveteam.

At least daw, sa pelikula ay magkasama pa rin sila ni Janella.

Sobrang na-miss niyang katrabaho ang dalaga dahil dati sa Be Careful with my Heart at OMG ay halos araw-araw silang magkasama.

Ngayon ay naiwan na siya. Pero may isang show si Marlo, so masaya na rin siya.
Eh lovelife, meron ba siya?

“Wala, single ako. Masaya na akong single,” sambit ng singer-actor.
Sa December 14 ang showing nationwide ng Mano Po 7: Chinoy.