Janella, suki ng DISNEY

Janella Salvador

DISNEY Princess na kung tawagin si Janella Salvador dahil nagiging suki siya ng Walt Disney.

Ang first Disney experience niya ay nang mapili siyang kumanta ng 10th anniversary theme song ng Hong Kong Disneyland.

Bale second time niya ang pagkakapili sa kanya na kumanta ng theme song ng bagong Disney animation na Moana.

Ang third ay nang mag-perform siya kamakailan sa Disney Concert: Tale as Old as Time sa Kia Theatre.

“I feel so honored because talagang Disney baby ako. So, singing these songs, it means a lot to me.

“It’s something that will never be erased and it’s something that I’ll be proud of until I’m old,” masayang bulalas ng 18-anyos na Kapamilya star.

Sa Disney concert ay kinanta niya ang For the First Time in Forever mula sa Frozen (ka-duet niya si Morissette Amon) at saka I See the Light mula sa Tangled (duet with Timmy Pavino).

Super proud si Janella na sa Pilipinas ay siya ang napiling kumanta ng How Far I’ll Go na theme song ng Moana.

Nagulat din siya dahil tulog ang mommy niya nang makatanggap ng tawag mula sa Disney, na muntik nitong hindi sagutin dahil foreign number.

Hindi ito in-expect ni Janella. Inaral pala ng Disney ang iba’t ibang artists sa Pilipinas kung sinong puwedeng kumanta nu’ng song at siya ang napili.

Ang saya ng experience ni Janella nang pumunta siya ng Singapore to record the song dahil na-meet niya roon ang ibang artists from other Southeast Asian countries na napili ring kumanta ng Moana theme song sa bansa nila.

Sa Disney movie ay ang Hawaiian actress-singer si Auli’i Cravalho na nag-provide ng boses ng bidang si Moana Waialiki ang umawit ng How Far I’ll Go.

Ang kumanta ng pop version nito sa movie­ soundtrack ay ang Canadian singer na si Alessia Cara.

Bukas ang showing ng Moana sa mga sinehan nationwide, kasabay ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto at ng The Super Parental Guardians nina Vice Ganda & Coco Martin.