KUNG iniyak ni Janella Salvador ang kanyang picture sa cover ng Metro Magazine na nagmukha siyang photobomber daw kasama ang teen royalties na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Julia Barretto… magpasa­lamat na lang siya na napasama siya sa liga ng mga importanteng young star.

Siya talaga ang wea­kest link sa listahang ito.

The truth really hurts!

***

Gagawa ba ng pelikula si Congresswoman Vilma Santos with BG Films para sa Metro Manila Film Festival nga­yong taon? Na-post earlier na nakipag-mee­ting na ang Producer na si Baby Go kay Ate Vi at hindi pa malinaw kung pang-MMFF ito.

Wala pa ring nababanggit si Ate Vi tungkol dito lalo na sa Execom kung saan siya kabahagi.

***

Desidido ang grupo ng Larawan, The Musical and The Movie tampok si Rachel Alejandro at Joanna Ampil na mapasali sa MMFF this year.

Nakakamangha ang pagdalo ni Rachel sa producers’ meeting kahapon na kulang na lang ay maghandog pa ng awit na hinihintay ng internationally renowned producer na si Dennis Evangelista na masayang naki-oyeoye sa kinatawan ng Mike de Leon film na kanyang iniwan.

All’s well that ends well indeed.

***

Nakakatawa ang pilgrimage ni Direk Louie Ignacio sa mga boss ng GMA 7 dala ang kanyang trophy sa AIFFA Festival na kanyang napanalunan.

Naging tradisyon na ng direktor ang magpakuha ng litrato kasama ng mga boss niya at ang kanyang trophy na source na kanyang vali­dation.

Kanya-kanyang trip ‘yan!

***

Congratulations kina Ronwaldo Martin at Hasmine Killip, 2017 Best Actor and Actress, res­pectively, sa 2017 Harlem International Film Festival for Eduardo Roy Jr.’s Pamilya Ordinaryo (Ordinary People).

This is Hasmine Killip’s 5th internatio­nal recognition: Asia Pacific Screen Awards (APSA), Hanoi International Film Festival, Oporto International Film Festival and Special Jury for Performance at the London East Asia Film Festival.

Super proud ang kanilang producer and manager na si Ferdy Lapuz na napakabait.

***

Obviously, umarangkada sa takilya ng North America last weekend ang bagong bukas na Guardians of the Galaxy Vol. 2 ($146.5M).

Pangalawa ang The Fate of the Furious aka Fast & Furious 8 ($8.6M), na naka-$207.2M sa apat na weekend.

Pangatlo ang animated movie na The Boss Baby ($6M), na naka-$156.5M sa anim na weekend.

Pang-apat ang How To Be A Latin Lover ($5.1M), na naka-$20.5M sa dalawang weekend.