Janice nagmukhang kawawa kay Lee Min Ho

BASTA para sa kanyang hinahangaang Korean actors, kakalimutan ni Janice de Belen ang pagiging isa niyang respetado, award-winning at sikat na artista sa Pilipinas.

Fan na fan nga si Janice sa Korea na gusto talagang makita kahit sandali ang isa sa kanyang Korean idol na si Lee Min Ho.

https://www.instagram.com/p/BbwSlvej501/?hl=en&taken-by=super_janice

Pinoste ni Janice ang photo niya sa isang lugar na kung saan nandoon si Lee Min Ho.

May bibit pang shopping bag ang aktres sa larawan at makikita sa background ang ibang gaya niyang fan na naghihintay sa paglabas ng kanilang idol.

Makikita sa facial expression ng aktres ang pigil na excitement niya sa inaasam na makita ang favorite actor niya.

“DECIDED TO GO AND BE A FANGIRL. TODAY!! WENT TO SEE @actorleeminho TODAY!! THIS IS WHILE @maimikes AND I WERE WAITING,” sey ni Janice.

Ang sumunod na posting ni Janice ay short video na makikitang nag-iingay na ang mga tao sa background.

“HERE IT IS!!! MABILIS ANG PANGYAYARI! SO I HOPE YOU CAN CATCH IT”

Isang lalake ang sumakay sa black car pero hindi naman nakita ang mukha nu’ng lalake dahil naka-mask ito ng itim. Kumaway lang ito sa kanyang fans.

https://www.instagram.com/p/BbwxFHJDuJe/?hl=en&taken-by=super_janice

Kahit isang iglap lang na nakunan ni Janice ang ipinapalagay niyang si Lee Min Ho, mistulang achievement na ito para sa aktres.

Pero, nakaramdam kami ng awa sa kanya dahil isa nga siyang sikat na artista dito sa Pilipinas, pero ginagawa niya ang mga bagay na ‘yon.

Ang isa pa ring nahuhumaling sa Korean stars na si Christine Bersola ay sumuporta pa sa video ni Janice, kahit hindi naman nakita ang mukha nu’ng lalake.

“@super_janice hapon/gabi ka na nagpunta? Pero achieve pa rin kahit mabilis lang ang mga sandali.. #leeminho is #leeminho,” sabi pa ni Christine.