Nag-panic, nag-palpitate, nanginig at nanghina ang mga tuhod. ‘Yan ang naramdaman ni Janice de Belen nang mapanood niya sa malapitan ang iniidolo niyang South Korean boy group na Super Junior nang mag-concert ang mga ito sa bansa last Saturday sa Mall of Asia.

Nag-upload si Janice ng short video ng grupo while performing na siya mismo ang kumuha and in fairness, ang lapit nga niya sa stage.

https://www.instagram.com/p/Bkp3bfLjdcG/?taken-by=super_janice

Sa caption, ikinuwento niya kung paano siya nanginig at nanghina bilang isang fan.

“TONIGHT, I WAS ONCE AGAIN A FAN. I ALWAYS SAY THAT BEC I AM ALSO A CELEBRITY AND BEC I INTERVIEWED LEE MIN HO AWHILE BACK, I WOULDN’T PANIC IF I MET OR ENCOUNTERED MY IDOLS.

“TONIGHT, I WAS PROVEN WRONG, WHEN I SAW SUPER JUNIOR UP CLOSE, MY HEART STARTED TO BEAT SO FAST. MY KNEES WEA­KENED,” ang caption ni Janice.

Ikinuwento rin niya ang embarrassing experience na hindi raw siya kinamayan ng grupo.

“MY REFLEXES KICKED IN AND I REACHED OUT MY HAND HOPING THEY WOULD SHAKE IT, BUT IT DIDN’T HAPPEN (kakahiya).

“BUT THAT’S OKAY, GANYAN TALAGA ANG #buhaykpopfan. I’M JUST REA­LLY GRATEFUL FOR THE EXPERIENCE.

“THANK YOU @moiraestrada FOR CHOOSING A REALLY GOOD SEAT FOR ME. BTW, THIS IS THE SE­COND VIDEO OF THEM UP CLOSE, THE FIRST ONE WASN’T AS SUCCESSFUL BEC I PA­NICKED,” ang nakasaad pa sa caption ni Janice.

Well, relate na relate naman kami sa kanya dahil ganyan din ang naramdaman namin nang makita namin in person ang iniidolo naming South Korean Superstar na si Lee Seung Gi sa fan meet sa Bangkok, Thailand.

Vice may payo kay Lassie

Broken hearted ngayon ang komedyanteng si Lassie dahil kahihiwalay lang niya sa boyfriend niya of two years. Last May lang daw sila nag-break kaya fresh na fresh pa at nasa healing stage pa raw siya.

Alam nga raw ng BFF niyang si Vice Ganda ang tungkol dito at ito raw ang isa sa mga unang taong pinagsabihan niya.

“Kaya nga nagpunta ako kina Vice nu’n, eh. Nag-swimming-swimming kami. Kasi lungkot-lungkutan nga nga, eh.”

Anong advice ni Vice Ganda sa kanya?

“Wala lang, ‘naku ha­yaan mo na, pakasaya ka, paka-busy ka’, ‘yun lang,” kuwento ni Lassie.

Kaya ngayon, sinusunod naman niya ang payo ng kaibigan at nagpapaka-busy siya sa kanyang showbiz career na pabongga nang pabongga.

May pelikula siya nga­yon, ang ‘Wander Bra’ kung saan ay kasama niya sina Myrtle Sarrosa, Kakai Bautista, Hashtag Zeus Collins at Bryan Gazmen mula sa direksyon ni Joven Tan under Blue Rock Productions.

Masaya si Lassie na gumiginhawa na ang buhay niya dahil nga maganda ang takbo ng career niya. At least daw ay nakakatulong na siya nang bonggang-bongga sa kanyang pamilya­ since siya pala ang breadwinner.