WALEY: Sa paglilibot ng mga bazaar kapag weekend, napansin ko na waley na si Priscilla Meirelles sa Legaspi at Salcedo Market.

Meron na siyang sariling stall at puwesto sa UP Town Center with her Brazilian bread at mala-empanadang pastries.

Nagulat na lang ako na aside from her signature breads ay nag-branch out na siya sa short orders at kasama roon ang callos.

May kamahalan ang callos niya na medyo limited ang serving. Inisip ko na lang na baka kasi mahal ang puwesto sa UP Town Center kaya kailangang bawiin.

In fairness too, OK naman ang lasa ng callos na may title na John’s favorite callos.

Sobrang swerte ni John Estrada na bukod sa may bagong teleserye na Magpahanggang Wakas with Jericho Rosales ay may signature dish pang niluluto ang partner niya.

Which brings to mind na pati si Janice de Belen ay may specialty callos din na ibinebenta.
Ito ang callos na super nire-rave nina Kris Aquino at Boy Abunda.

Janice de Belen
Janice de Belen

Binebenta ni Janice ito through her social media accounts and the last time, sa Celebrity Bazaar sa UP Town Center.

Ako mismo ay na-experience na ang callos ni Janice and I would say, bongga ito at napakasarap.

Very reasonable ang price at very generous ang serving.

Oh well, habang nilalasap ang callos ng mga kapartner, ang masasabi ko na lang ay — ma­swerte talaga si John Estrada.

***

HAVEY: Sa storycon ng bago nilang pelikula na Ilawod, kitang-kita ang pagkakomportable nina Iza Calzado at Ian Ve­neracion bilang magka­trabaho.

“Matagal na kasi ka­ming sanggang dikit ni Iza,” sabi ni Ian.
Nagkasama sila sa isang teleserye sa Kapuso network at simula noon, they moved around same circles na.

Magtropa at tunay na magkaibigan na masaya para sa isa’t isa sina Iza at Ian.
Parehong stable at masaya ang lovelife ng dalawa. At parang pinagtiyap ang schedules nila at magkasama ulit sila sa pelikulang Ilawod.

Nabasa pa lang namin ang script ay nakakatakot na ito, mula sa panulat ng Palanca award-winning wri­ter na si Yvette Tan at unang horror film naman ni Direk Dan Villegas.

Alam kong maraming pinagdaanang leading men ito mula kina Jericho Rosales, John Arcilla at TJ Trinidad na tila hindi umubra dahil sa kanilang schedules, kaya ang mapalad na final choice ay si Ian Veneracion.

Maganda naman dahil maliban sa may natapos nang magandang pelikula sina Iza at Ian sa direksyon ni Jerrold Tarog (his follow up after his highly successful Hene­ral Luna), magkasama rin sina Iza at Ian sa bagong teleserye with Bea Alonzo na may working titles na The Second Wife at A Love To Last A Lifetime.

And like wine, Iza and Ian just get better as they age. Kasama pa nila sa bagong pelikula ang mahusay na batang aktres na si Teri Malvar. Saan ka pa?

Sa recent success ng horror (zombie) film na Train To Busan na sobrang rave ng direktor nilang si Dan Villegas, I hope they can come up with a horror film with a heart.

Pang-Miss Universe ang appeal niyan, ‘di ba?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.