Janine, ‘binagyo’ sa Zambales

BINAGYO ang taping ng Unbroken Hearts mini-series ng GMA 7 kahapon sa Iba, Zambales.

Sa may beach resort ang location ng proyektong pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Assunta de Rossi, kaya nahirapan sila sa taping kahapon.

‘Yung outdoor scenes, hindi na lang muna kinunan dahil sa lakas ng ulan at hangin sa lugar na ‘yon. Puro indoor scenes na lang ang kinunan nila.

Wala namang reklamo ang mga artistang kasama sa taping kahapon kahit na papunta pa lang sa nasabing location ay nahirapan na sila dahil may bagyo nga.

Angel at Richard, binagyo rin sa Laguna

Richard at Angel
Richard at Angel

AS of this writing, kausap namin ang isang taga-promo department ng ABS-CBN at nagtanong kami tungkol sa Kapamilya event nila sa Enchanted Kingdom sa Laguna.

Wala pa raw advice sa kanila kung kailangan nilang mag-cancel dahil nga sa lakas ng ulan at hangin.

Kasama sa Kapamilya event na ‘yon ang La Luna Sangre stars na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

May station ID shoot din sila sa lugar na ‘yon, pero malamang daw na ma-cancel ang shoot na ‘yon dahil nga sa tindi ng ulan at hangin.