TAKOT for real ang nararamdaman ni Janine Gutierrez kapag kaeksena niya si Marc Abaya na napakahusay na kontrabida sa Kapuso afternoon drama na Legally Blind.
Nu’ng Biyernes ay nalukring ang fans dahil ang akala ay mate-take two ang panri-rape ni William (Marc) kay Grace (Janine).
Tumodo na ang kademonyohan ni William na nagawang ipa-kidnap ang kapatid na si Edward (Mikael Daez) dahil sa obsession nito kay Grace.
As in OA levels ang pagnanasa ng karakter ni Marc sa blind lawyer karakter ni Janine.
“Kaya talagang natatakot ako kay Marc ‘pag mga eksena namin. Dala-dala niya kasi ‘yung pagka-obsessed nu’ng karakter na talagang natatakot ako sa kanya!” bulalas ni Janine.
May isang beses na nalerky si Janine dahil biglang DINILAAN ni Marc ang mukha niya.
‘Yun ‘yung eksena na sa isip ng manyak na si William ay nire-rape ulit nito si Grace.
Nag-ad lib si Marc at dinilaan si Janine sa pisngi.
Tsika ng Kapuso actress, bago pa ginawa ‘yon ni Marc ay takot na siya rito kaya hindi na niya halos naramdaman ang dila nito.
“After the scene, saka sinabi sa akin ni Mikael na, ‘Marc licked you!’ Eeeewww!! Ha! Ha! Ha!”
Bongga ang scary move na ‘yon ni Marc, pero si Direk Ricky Davao mismo ang nagdesisyon na tanggalin ‘yon dahil baka malintikan sila ng MTRCB.
Medyo hindi raw kasi puwede ang gano’n dahil panghapon sila at may mga kabataan na nakakapanood.
Sey ni Janine, sobrang dangerous na ni William at napaka-manipulative nito, pero walang may alam na ganu’n ka-dark ang pagkatao nito, kahit ang kapatid nitong si Edward at ang nakarelasyon nitong si Charie (Lauren Young).
At habang tumatagal ay lalo pang tumitindi ang pagnanasa nito sa dating ginahasa na si Grace.
Para itong naglalaway na aso na takam na takam at gustong ulitin ang ginawa nitong kalapastanganan.
Selos na selos din ito at naiinggit sa kapatid na si Edward dahil fiance ito ni Grace.
Super happy sina Janine dahil hindi nila akalain na tatanggapin nang ganu’n ng afternoon audience ang may kabigatang tema ng Legally Blind.
Consistent na mataas ang ratings nila kaya mas inspired silang magtrabaho at mag-ikot sa regional tour.
Kamakailan ay galing sila ni Mikael sa Panaad Festival sa Bacolod.
Nu’ng Biyernes ay nasa Dagupan Bangus Festival ang JanMik at si Marc.
Ngayon (April 30) ay dadalaw ang Legally Blind stars sa Starmall sa San Jose Del Monte, Bulacan, 4:00 PM.
Kasama nina Janine at Marc na magpapasaya sa fans sina Rodjun Cruz at Lauren Young.