Janine, excited kay ‘Eleven’ ng STRANGER THINGS

Millie Bobby

NASA bansa ngayon ang isa sa mga bida ng hit Netflix original series na Stranger Things na si Millie Bobby Brown o mas kilala bilang si Eleven.

Super hit ang Stranger Things, na mabilis na kinabaliwan all over the world magmula nang i-release ito ng Netflix last July 15.

Ang 12-anyos na British actress na si Millie Bobby ang breakout star ng nasabing sci-fi series na created and directed by The Duffer Brothers.

Magagaling din ang boys na co-stars ni Millie, pero siya ang pinakabongga as Eleven, ang skinhead girl na may supernatural powers.

Kasama rin sa series ang nagbabalik na si Winona Ryder, bilang ina ng batang nawawala at hinahanap ng lahat sa 1st season.

May chance ang Pinoy fans na maka-face to face si Eleven sa AsiaPop Comicon Manila sa SMX Convention Center na nagsimula kahapon.

Today and tomorrow ay makakapiling ng fans si MBB sa main stage at sa autograph & photograph sessions at saka sa meet & greet.

P600 ang entrance ticket sa AsiaPop Comicon. May kanya-kanyang presyo ang pa-picture, papirma at pa-meet & greet.

Hindi nakalagay sa SM Tickets kung magkano ang mga tiket kay MBB, pero kay Nicholas Hault (Hank McCoy/Beast ng X-Men films) ay P2,200 ang photograph; P1,700 ang autograph; at P5,700 ang meet & greet.

Yes, ganu’n kamahal!

Bukod sa English hunk na si Nicholas na ex-boyfie ni Jennifer Lawrence, darating din sa Comicon sina Joe Dempsie (Gendry ng Game of Thrones) at Claire Holt (ng The Vampire Diaries).

Medyo mas mura ang meet & greet nina Joe at Claire (P3,300) kumpara kay Nicholas.
Pero ang mas maraming interesadong ma-meet ay si Millie Bobby Brown.

Isa sa mga atat makita ito in person ay ang Kapuso hunk na si Juancho Triviño.

Tinweet pa ito ni Juancho ng, “Millie, please notice us! We’re fans from Manila!”

Si Janine Gutierrez ay na-excite din nang malamang bibisita sa ‘Pinas si Eleven.

“Leaving for Manila! Still haven’t packed,” ang sabi ni bagets sa Instagram, na may hashtag na #whattowear #cantwaittoseeyouguys #manila #asiapop.

Ang alam namin ay hooked din sa Stranger Things sina Sam Milby, Anne Curtis at iba pang celebrities.