Janine, HAPPY HEART sa mamahaling kotse

Janine Gutierrez

HAPPY HEART ang caption ni Janine Gutierrez sa isang Instagram post niya kahapon.

Hindi dahil may bago nang nagpapasaya sa puso niya kundi dahil happy lang siya sa personal achievements niya.

After niyang ma­kabili ng sariling condo at mamuhay nang solo ay nakabili na ng bagong sasakyan ang Kapuso actress.

Ang brand-new Dodge Durango ni Janine ang nasa background niya sa kanyang ‘Happy heart’ pic.

“Congratulations, anak!!!! You got it na!!!!” ang comment ng madir niyang si Lotlot de Leon sa post na ‘yon ni Janine.

Ang daming natuwa at nag-congratulate sa bida ng Legally Blind sa latest achievement niya na ‘yon, na ang sabi nila ay very much deserved ni Janine dahil bukod sa napakasipag nito ay napakabait sa kanyang pamilya.

Tsika sa amin ni Balot, ang sabi niya kay Janine ay lupa ang bilhin bilang investment.

Kaya lang ay kaila­ngan nito ng big car kaya pumayag din siya kahit may kamahalan ang Durango.

Hyundai Elantra ang unang car na gamit-gamit ni Janine, na ngayon ay puwede na niyang ipahi­nga dahil may bago na siya.

Bale katas ito ng Kapuso shows ni Janine at pati na rin ng kanyang endorsements.

Lalo pang na-happy ang 27-anyos na dalaga dahil ang ganda ng ratings ng kanyang afternoon drama.

“So kilig! Dropped by the bosses’ meeting in GMA and they congratulated us on Legally Blind. Thank you sa inyo!!” ang masayang tweet ni Janine nu’ng isang araw.

Sa IG ay nag-thank you siya sa lahat ng sumusuporta at sumusubaybay sa Legally Blind, kalakip ang ratings results na talo nila ang katapat na show.

May pa-thank you rin ang magandang dalaga sa mga bumoto sa kanya bilang Favorite Pinoy Star sa Nickelodeon’s Kids’ Choice Awards 2017.

Tapos na ang botohan at sa March 13 (11:30 AM) ang airing nito sa ‘Pinas.

Ang sabi ni Janine sa pinost niyang short video, abangan ang ginawa niyang challenge sa KCA.

“It’s gonna get messy!” lang ang sinabi niyang clue habang natatawa siya sa excitement.

Walang negative effect kay Janine ng paghihiwalay nila ni Elmo Magalona at ni hindi namin siya nakitang naging emo o lungkut-lungkutan after the breakup.

She stayed positive and productive the whole time, kaya ngayon ay mas bumongga pa ang career niya at unti-unti na niyang nakakamit ang mga pangarap niya.

Go, girl!!!