Janine, inamin na childhood crush si Marc Abaya

Janine Gutierrez

NGAYONG nalalapit na ang pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series ni Janine Gutierrez na Legally Blind, lalong humuhusay ang co-star niya na si Marc Abaya.

Si Marc ang gumaganap na rapist ng karakter ni Janine na si Grace.
Pero tila kilig ang na-feel ni Janine noong bata siya towards Marc.

Kuwento ni Janine, “Crush ko si Marc noong bata pa ako. Sinabi ko sa kanya agad noong una kaming nag-workshop.

“Sabi ko, ‘Marc, sorry pero kailangan kong aminin sa ‘yo. Sobrang crush talaga kita dati noong grade school pa ako.’”

Ano ang reaksyon ni Marc sa confession niya?

“Medyo natawa siya. Siguro nagulat siya. Sabi niya, ‘Okay na sana pero grade school?’” lahad ni Janine.