KINILIG si Janine Gutierrez sa papuri sa kanya ng isa sa pinakamagandang Kapamilya stars na si Liza Soberano.
“So beautiful,” ang comment ni Liza sa pic ni Janine na pinost ng hairstylist nito sa Instagram.
https://www.instagram.com/p/BX3sLkuBBC3/?hl=en&taken-by=janinegutierrez
“My hearttttt,” ang tila nahihiyang reaksyon dito ni Janine, na sobrang na-touch sa nice words ni Liza.
Totoo namang gandara si Janine at isa siya sa may pinaka-class at sopistikadang beauty among Kapuso stars.
Actually, gandang-ganda rin si Janine kay Liza.
Naalala namin nu’ng pareho silang nominated sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards last year, na si Janine lang ang Kapuso at puro Kapamilya stars ang kalaban niya.
Ang sabi sa amin ni Janine, kung siya ang boboto ay si Liza ang iboboto niya.
Parehong mabenta bilang magazine covers at product endorsers sina Liza at Janine.
Sana magkasama sila sa isang TVC para bongga, magka-join ang dalawang tunay na gandara.
Nasa Los Angeles si Janine dahil ni-record niya ang theme song ng bago niyang Kapuso teleserye na Sunshine In.
Ang saya-saya ng dalaga dahil first time niyang mag-Amerika. Bago umalis ay nag-tweet pa siya sa amin kung anu-anong mga must-see sa LA.
Mas naging happy pa ang first US experience ni Janine dahil ka-join niya sa nasabing biyahe ang kanyang Mommy Lotlot de Leon at ang guwaping na younger brother niyang si Diego Gutierrez.