BACK-TO-BACK treat para sa mga Cebuano ang handog ng mga bida ng Legally Blind na sina Janine Gutierrez at Mikael Daez, kasama ang kanilang co-stars na sina Lauren Young at Rodjun Cruz.
May Kapuso Mall Show ang Legally Blind bukas (Sabado, Hunyo 3) nang 4:00 PM sa Gaisano Capital South.
Susundan ito ng isa pang mall show sa Gaisano Capital Island Mall Mactan sa ganap na 6:00 PM.
***
Laugh trip naman ang dala ng comedy game show na Celebrity Bluff sa mga Kapusong Pangasinense.
Makikipagkulitan si Boobay at magpapakilig ang Kapuso boy band na One Up sa kanilang Kapuso Mall Show bukas nang 4:00 PM sa Magic Mall Tayug sa Pangasinan.
***
Kaabang-abang ang life story ni Pia Wurtzbach sa MMK.
Aabangan ang kuwento tungkol sa kanyang ama na medyo may kapilyuhan sa mga babae.
Nakakapagtaka tuloy kung ano ang itsura ng mga kapatid ni Pia.
***
Natuloy ang guesting nina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos para sa Magandang Buhay.
Dapat pala sana, surprise ang naturang guesting ni Juday sa kanyang Ate Mega pero may nagparating na kay Sharon ng tungkol dito.
Parang at home lang ang dalawa dahil pamilya ang turingan nila.
Carla, wagas ang suporta kay Jennylyn
Suportado ni Carla Abellana ang kapwa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.
Gabi-gabi nitong sinusubaybayan ang My Love From The Star.
Kinaaliwan ng fans ang posts ni Carla sa Instagram kung saan kinuhanan niya ang eksena ni Jen, at tawang-tawa siya sa pagganap ng kaibigan sa role ni Steffi.
Nag-comment dito si Jen at nagpasalamat sa pagsuporta at panonood ng kaibigan niya.
Samantala, mas lumiliit na ang mundo nina Steffi at Matteo (Gil Cuerva) sa My Love From The Star.
Pareho sila ng building na tinitirhan, at madalas silang magkita dahil professor ni Steffi si Matteo.
Parang aso’t pusa ang dalawa.
“The more you hate, the more you love” ang drama nila?!
***
Nagkita sa isang restaurant sa Makati City ang mga anak at asawa ng yumaong direktor Gil Portes kasama ang mga loyal na mga artista at production staff nito tulad nina Gina Alajar, Senedy Que at Armand Reyes.
Paalis na raw ng bansa ang mga anak ni Direk Gil samantalang ang maybahay nito na si Telly ay mananatili pa rito nang isang buwan.
***
Excited ang Wonder Gays sa Beyond Naked Buddies V2.0 na maghahasik ng ligaya sa Hunyo 10, Sabado, sa The Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.
“Wonderful ang bikini hunks na rarampa sa pangunguna ng Bikini King na si Allen Molina kaya expect a wonderful show!” sabi ni Leklek Tumalad (cell# 0927-488-6886), co-producer ni Shobi Dionela.