Janine lusot sa ‘Grand Mañanita’

Dumalo si Janine Gutierrez sa ‘Grand Mañanita’ . Ginanap ito sa UP Diliman kahapon Araw ng Kalayaan.

Ang nasabing ‘mañanita’ ay isang protesta para ipabasura ang anti-terrorism bill na nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Kapuso actress muntik na siyang hindi makapasok dahil sa higpit ng mga nagbabantay sa gate ng naturang unibersidad.

“Muntik na akong hindi makadalo sa mañanita dahil napakahigpit ng bouncers!” tweet ni Janine.

“Pero sa huli, nakaabot din. Happy independence day, Pilipinas. Mahal ka namin”