Hindi man tahasang tinutukoy ni Janine Gutierrez, aminado siyang na-trauma siya sa pakikipagrelasyon sa kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona.
Maganda kasi sa simula ang kanilang naging relasyon na nang lumaon ay nauwi sa hiwalayan.
Ito rin umano ang dahilan kaya pagkatapos kay Elmo, naghinay-hinay siya pagdating sa usapin ng puso.
Katunayan, hanggang ngayon wala pa ring label ang kanilang relasyon ng rumored boyfriend na si Rayver Cruz.
Pero dahil history na ang lahat sa kanila ni Elmo, wala na raw namang rason para mag-hold back pa at mabuhay sa nakaraan.
Talking of first love, marami raw alaala ang iniwan nito sa kanya.
“Ako, medyo pag naiisip ko. Masakit siya na nakakatawa. Minsan kasi ako…Ako kasi, iyong first love ko kasi hindi siya masyadong seryoso. Iyong iba, akala nila iyon na iyong one great love nila. Iyong sa akin, sobrang crush na crush na crush ko lang pala siya pero sobrang na-heartbreak ako. May mga panahon nga na, sabi ko, ano na ang mangyayari. OMG, guguho ba ang mundo ko, pero hindi naman,” aniya.
Gayunpaman, nagpapasalamat din siya rito dahil naranasan niya ang joy and pain of first love dahil nakatulong daw ito para mag-mature siya bilang tao.
Proud naman si Janine dahil title roler na siya sa pelikulang Elise, ang pre-Valentine presentation ng Regal Entertainment na idinirehe ni Joel Ferrer.
Malaking hamon din daw ang kanyang role sa kanyang kakayahan bilang aktres.
“Si Elise kasi palaban siya, matapang, walang inuurungan. She’s not apologetic for herself. Ipaglalaban niya ang mga mahal niya sa buhay, pero magkaiba lang kami kasi I guess, in real life, wala pa akong nasusuntok,” pagdedetalye niya.
Happy din siya dahil reunited siya kay Enchong Dee bilang leading man sa nasabing pelikula pagkatapos ng kanilang pagsasama sa Sinag Maynila horror movie na “Lila” noong 2016.
Base sa tunay na buhay, tampok din sa Elise sina Victor Anastacio, Miko Raval, Miel Espinosa at Laura Lehmann.