Janine, NAKO-CONSCIOUS kapag itinutukso kay Rayver

Janine Gutierrez

AS PROMISED sa mga nagsi-SHIP sa JanVer ‘loveteam’ ay inusisa namin si Janine Gutierrez kung anong feeling niya na ang daming nagkagusto sa pagpi-pair namin sa kanila ni Rayver Cruz.

Sa set ng Legally Blind sa Ninoy Aquino Parks & Wildlife nu’ng isang araw lang namin ulit nakatsika si Janine after namin silang kunan ng pic ni Rayver sa grand opening kamakailan ng resto-bar ni Lotlot de ­Leon sa South.

Hanggang ngayon ay may mga nagla-like at nagko-comment pa rin sa picture na ‘yon ng JanVer na pinost namin sa Instagram.

At eto na ang nakakatuwa, katabi ni Janine ang leading man niya sa Legally Blind na si Mikael Daez nang matsika­ namin siya at maging si Mikael ay na-curious.

Tawang-tawa kami nang hiritan nito si Janine ng, “Are you texting Rayver Cruz?”

Natawa lang si Janine at napa-“Oh my God! Nakakaloka!” sa pang-uurirat sa kanya ni Mikael.

Nag-follow up pa ang Mikael ng, “Type mo ba si Rayver?” kaya lalo kaming naaliw.

Buwelta rito ni Janine, “Ano ka ba? Bakit ka ba nagtatanong?!”

Napansin namin na parang nako-conscious si Janine ‘pag tinutukso siya about Rayver at tila hindi siya agad makasagot.

Hirit namin, obvious namang type ­siya ni Rayver.

So, if ever na i-pursue siya nito, ready ba siyang i-entertain ang binata?

“Puwede naman,” matipid na sagot ng Kapuso actress.

“‘Yun, oh! Yes! Sumagot din!” pambubuska pa ni Mikael kay Janine.

‘Yung totoo, ano bang dating sa kanya ni Rayver?

“Mabait at saka super masayang kasama. Sob­rang saya nu’ng gabing ‘yon, sobrang late na naming nakauwi,” napapangiting sey ng dalaga.

Inabot sila ng 4:30 AM doon sa The South Grill dahil nag-stay pa sina Rayver at Rodjun (na parehong tagaroon sa South kaya malapit lang ang uuwian ng mga ito) at ang saya ng bonding nila nu’ng gabing ‘yon.

Lalo pa kaming naaliw nu’ng magdayalog si Ms. Michele Borja (EP ng Legally Blind) na kung sakaling dadalaw sa taping nila si Rayver ay MAY BASBAS na ­niya ito, sabay tawa.

Napahalakhak dito si Janine, na kasama si Ms. Michelle at si Ms. Red­gynn Alba (program manager ng LB) sa ope­ning ng South Grill kaya na-meet din ng mga ito si Rayver at mukhang boto ang mga ito sa binata­ kahit tagakabilang istasyon ito.

In fairness ay patok sa netizens ang JanVer at ang daming nagsi-ship sa ‘loveteam’ nila.

Ani Janine, “Nakakatawa lang, kasi wala lang naman ‘yon, ‘di ba? Piniktyuran mo lang naman kami, tapos… ‘yun lang. Funny!”

Okey na ba siyang mag-entertain ng guys sakaling may gustong manligaw sa kanya?

“Ano, siguro tingnan natin. Feeling ko kasi, kung meant to be, hindi siya magiging mahirap. So, tingnan na lang natin,” nakangiting pakli ng magandang Kapuso star.

***

Parehong nanood ng Coldplay concert sina Janine at Rayver, pero hindi sila nagkasama during the show doon sa MOA Concert Grounds.

Ang sabi sa amin ni Janine, nagkita na lang sila ni Rayver nu’ng pa­labas na siya. Sa laki ng open air venue ay hindi sila nagtagpo sa loob.

Tili nang tili si Janine at naiyak-iyak pa siya sa tuwa habang pinapanood ang sikat na banda.

Paborito niya kasi talaga ito noon pa. As in high school pa lang siya ay bumibili na siya ng CD ng Coldplay, kaya dream concert niya ito eversince.

Si Mikael ay solo lang na nanood, hindi niya kasama ang girlfie niyang si Megan Young.

Bigay lang kasi ang tiket niya as one of the Globe ambassadors.

Hindi sila ma-concert ni Megan. Ang last concert na pinanood ni Mikael ay 7 or 8 years ago na.

Mas mabiyahe silang dalawa, pero na-enjoy ni Mikael ang Coldplay kahit hindi siya fan nito.