NI : ARCHIE LIAO
Isa si Janine Gutierrez sa masigasig na naghintay sa presscon ng Pangulong Duterte tungkol sa kanyang ulat sa tunay na estado ng bansa na nasa enhanced community quarantine dala ng COVID-19 outbreak kamakailan.
Naibalita kasing alas-4 ng hapon ang pa-presscon ng dating Davao city mayor subalit alas-11 na ng gabi nang marinig at matunghayan ito ng buong sambayanan.
Hindi naman napigilang madismaya ng aktres sa sustansya ng naging mensahe ni Digong.
Tulad ng ibang netizens, naghahanap siya ng transparency sa gobyerno sa efforts nitong labanan ang corona virus.
Sey niya: “Hay. Nakakalungkot. Kung essay yun sa exam, hindi papasa. Wala naman yatang nasagot sa tanong ng bayan. Anong plano? Hindi naman pwedeng tiwala lang.”
Bagamat maraming sumang-ayon sa kanya, meron din namang bumatikos.
Hirit nila,huwag daw pangunahan ang Presidente sa kanyang ginagawa at sa halip ay gayahin na lang daw nitong tularan ang kapuwa celebrities na abala sa pagtulong sa mga frontliners at relief operations sa bansa.