NATUPAD na ang pangarap ni Janine Gutierrez na mapa­sama sa ­Kapuso telefantasyang ­Encantadia.

Pumasok na si Janine­ sa Enca bilang Agua, kambal diwa ni Sang’gre Alena (Gabbi Garcia), ang diwatang tagapa­ngalaga ng brilyante ng tubig.

Isa si Janine sa mga excited na nag-audition­ para sa Encantadia ­requel.

Hindi siya napiling maging parte ng cast, pero­ binigyan siya ng sariling primetime show (Once Again) ng GMA katambal si Aljur Abrenica.

Wala pang bagong regular primetime series si Janine, pero may ginagawa silang URL (Usapang Real Love) episodes ni Aljur. Kasama rin siya sa indie film na Pastor ni Direk Adolf Alix, Jr.

Bisi-bisihan sa ­trabaho ang gandarang­ Kapuso actress, na ­tila hindi apektado sa ­recent breakup nila ng sumaka­bilang-network na si Elmo Magalona.