BIRTHDAY kahapon ni Rayver Cruz, na may salubong celebration with friends nu’ng Wednesday night.
Sa Bowery sa The Fort ginanap ang salubong sa birthday boy, na present siyempre si Janine Gutierrez kaya natuwa na naman ang JanVer fans.
Walang posts sa social media sina Rayver at Janine, pero meron silang pic together sa IG Stories ni Rodjun Cruz.
Obvious na happy ngayon ang 28-anyos na Kapamilya hunk, pero nang usisain namin siya kahapon kung sila na ni Janine, ang sagot niya ay hindi pa rin siya sinasagot ng Kapuso actress.
Pramis niya pa rin sa amin na aaminin niya agad ‘pag sila na.
Nang alamin namin kung anong birthday gift sa kanya ni Janine, ang sey ni Ray ay presence lang nito ay sapat na sa kanya.
Kagabi ay may birthday dinner si Rayver with his family, na invited pa rin si Janine.
Feeling namin, may gift si Janine sa birthday boy at baka doon pa nito sa dinner ibibigay.
Halatang espesyal ang JanVer sa isa’t isa. Natutuwa ang fans sa tuwing spotted sila na magkasama.
Obviously ay masaya sila ni Janine sa isa’t isa, so sure kami na totoong happy ang birthday ni Rayver!