Janine-Rayver, magdamag na naman ang BONDING

Janine Gutierrez

KINILIG ang JanVer shippers nang malaman nilang nag-bonding ulit sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz nu’ng weekend.

Sa JanVer fanatics na naka­tutok sa dalawa pa namin nalaman na nagkita sina ­Janine at Rayver nu’ng ­Biyernes nang gabi na inabot hanggang Sabado nang madaling-araw.

Nalaman pala ni Rayver na nasa resto-bar ni Lotlot de Leon si Janine nu’ng gabing ‘yon kasama ang all-girl barkada nito.

Kaya ayun, pumunta si Ray ng The South Grill kasama ang bradir niyang si Rodjun na co-star ni Janine sa Legally Blind.

In fairness, walang social media posts ang JanVer. Nabuking lang dahil sa IG Stories ng isang friend ni Janine.

Ang saya ng bonding nila sa TSG, na after ay sumegue pa sila ng kain sa Yellow Cab kaya mag-uumaga na yata silang naghiwa-hiwalay.

Ang sabi sa amin ni Rayver, nasa area lang din kasi siya nu’ng time na ‘yon at gusto niya talagang bumalik sa bar ni Balot kaya pumunta siya.

Biglaan lang daw ‘yon, na okey din dahil paalis siya pa-Amerika at 2 weeks siyang mawawala.

So, mami-miss niya si Janine, ganern??

Tarayyy, mukhang ‘may future’ ang JanVer, ha?!

Sobrang natuwa ang fans sa magdamagang bonding na ‘yon ng dalawa. Tila humohopia sila na magkakaroon ng ‘something’ kina Janine at Rayver.

Bukas ang lipad ni Rayver pa-Amerika.

Kasama siya sa show ng Kapamilya stars sa Las Vegas (April 14), Santa Clara, California (April 15) at Hawaii (April 21).