Janine tinukuran sa pagbanat kay Bong

Biglang ingay ang pangalan ni Janine Gutierrez sa hanash nito sa Twitter na “Oh God” nang officially ay i-announce ng GMA-7 ang pagbabalik-TV ni Sen. Bong Revilla. Hinala ng karamihan ay against ang actress sa comeback ni Bong.

Dahil alaga niya, hindi napigilan ni Lolit Solis na patutsadahan si Janine. Na kesyo wala itong utang na loob kay Bong. Wala pa man daw itong napapatunayan sa industriya unlike Bong na marami nang sakripisyo para sa showbiz.

Siyempre pa, to the rescue ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon sa anak.

“Officially done with work for the year! so happy I get to work with amazing people and so happy that this year I’ve finally learned to say yes to only projects I really like and believe in – no matter what other people say… as it should be with everything else in life,” latest tweet naman ni Janine.

Tila may himig na palaban pa rin si Janine, lalo’t marami ring netizen ang umaayon sa kanyang paninindigan.

“Labyu JANINE ! continue to fight for what you believe in.”

“You did great this year babe. Keep on doing what you love without hurting or stepping on anyone’s toes. Stay grounded and God Bless.”

“You’ve done the best thing in life & you are the voice of the Filipino people seeking for Truth, Honest & Credible gov’t officials.”

Ilan lang ‘yan sa mga komento ng netizens. (Jun Lopez)