tonite-pak-allan-diones
Hindi nakapag-date sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz nu’ng Valentine’s Day at sa halip ay sinamahan ni Janine si Rayver na dumalaw sa puntod ng ina nitong si Beth Cruz, na pumanaw last month.

Kung may time silang mag-date ngayon, saan gusto ni Janine na dalhin siya ni Rayver?

“Amanpulo! Char!! Hindi, dinner lang, dinner-dinner lang,” natatawang sagot sa amin ni Janine nang matsika namin siya sa press launch ng bagong Kapuso afternoon series na “Dragon Lady.”

Consistent si Janine sa sagot niya na gusto niyang makarating ng Amanpulo. Nabanggit na raw niya kay Rayver ang tungkol doon at sinabi niyang parang gusto niyang sa Amanpulo mag-birthday this year, pero wala naman daw itong reaksyon.

Janine is turning 30 years old sa ­October 2. Mauuna sa kanyang mag-30 si Rayver sa July 20.

Matagal pa raw ang birthday niya, so puwede pang mag-ipon-ipon ng pang-Amanpulo.

So, bale tuhog na ‘yon kung sakali, belated Valentine’s date at birthday niya?

“Puwede, puwede. Para sulit, ‘no?” nakangiting sey ng Kapuso ­actress.

Ang fantasy-drama series ni Janine na “Dragon Lady” ang papalit sa “Asawa Ko, Karibal Ko” ni Rayver sa GMA Afternoon Prime sa Lunes, March 4.

Nasabi sa amin ni Rayver na gusto nitong magbakasyon after “AKKK” at gusto nitong sana ay kasama si ­Janine.

Sey ng dalaga, may biyahe siya pa-Amerika sa May para dumalo sa graduation ng isang friend niya sa New York, so baka si Rayver daw ang sumama sa kanya pag-alis niya.

That is kung wala pa itong gagawing bagong teledrama sa GMA.

Si Tom Rodriguez ang kapareha ni Janine sa “Dragon Lady” na ang mahiwagang karakter niyang si Celestina Sanchez ay mala-dragon na bumubuga ng apoy kapag nagagalit.