NI: NONIE V. NICASIO

Kaaya-aya ang porma ng aktres-model na si Janna Roque.

Makikita ito sa kanyang latest Instagram post habang nagchi-chill siya sa isang magandang beach sa Pattaya, Thailand.

Suot ang sexy two-piece bikini, ibinalandra ni Janna ang kanyang kaseksihan dito. Sa pagbibilad niya ng alindog dito, tiyak na maraming boys ang nag-enjoy at tumutok sa kanyang winner na curves.

Bukod sa pagiging modelo, si Janna ay nakilala sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng mga pelikulang ‘Chain Mail’, ‘Girlfriend For Hire’, ‘Camp Sawi’, at iba pa.

Ang kariktan at kaseksihan ni Janna ay maihahalintulad sa isang masarap na panghimagas o pulutan na hindi pagsasawaang lantakan ng bawat hot blooded boys.

Sagana sa sex appeal ang talent na ito ng Viva Artists Agency. Si Janna ang tipo ng babaeng kayang-kayang painitin ang mundo ng mga barako.

Siya ang tipo ng babaeng kapag nabistahan ang alindog ng mga kalahi ni Adan ay posibleng magresulta na mag-water-water sila sa hotness ng dalaga.

Ang tulad ni Janna ang inaasam at pinapangarap kalampungan ng maraming barako, kahit man lang sa kanilang mainit na sexual fantasy.