Pinasinungalingan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang usap-usapan na ang United­ Nations (UN) ang pinakagalante pagdating sa pagtulong sa Pilipinas.

Sa halip ay sinabi ng Pangulo nang magtalum­pati ito sa Malacañang­ matapos ang oath taking ng kanyang mga bagong appointees at mga bagong halal na opisyales ng League of Municipalities­ of the Philippines­ (LMP) kamakalawa ng hapon na ang Japan ang pinaka­galanteng donor ng ­Pilipinas.

“Contrary to the belief of other Filipinos, it is not the United Nations. Maliit­ lang iyon, pati ang military. It’s the Japanese government ang pinakama­laking tulong,”­ pagbibigay-­linaw ng Pangulo.

Gayunman, hindi na ipinaliwanag ng Pangulo kung anu-anong tulong ang ibinibigay ng Japan at UN sa bansa.

Matatandaang dahil­ sa naging matapang na pahayag ng Pangulo­ sa UN, European Union at United States na pumupuna sa giyera ng gobyernong Duterte sa kampanya­ kontra iligal na droga ay pinababawi nito ang tulong ng mga naturang bansa sa Pilipinas­ kaya inulan ito ng batikos.

7 Responses

  1. baka nga may katotohanan ang sinabi ni presidente kasi ang dami mga donations ng mga hapon sa pinas after ng wwII. Well, mas maganda siguro if ilabas ang mga figures para naman maliwanagan ang buong bayan.

    1. Pakibasa po mabuti, heading palang maintindihan na ninyo yung balita or may mai-comment lang talaga na kasiraan… ang sabi po pinasinungalingan lang…

      1. Di mo ba naririnig ang sinasabi niya na kaya ayaw niya ng donation ay dahil gusto niya tumayo tayo sa sarili. Donation ibig sabihin ay humingi kahit kanino. Kung ayaw niya kunin ang donation ng US ay dapat ganoon rin sa Japan para tumayo nga tayo sa sarili. Hindi paninira ang sinabi ko at tinatanong ko lang dahil nag sasalita siya na gustong tumayo sa sarili.

  2. Japanese tourists who like to sing, want to be always welcome in the karaoke bars of Manila. Seriously, Japan is worried PROC is going to annex Japan and its territories, to the PROChinese empire.