Japan PM bibisita sa bahay ni Duterte

Personal na bibisitahin ni Japanese Prime Mi­nister Shinzo Abe ang ta­hanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City ngayong linggong ito, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Pagdating ng Japanese leader sa Huwebes ay hahandugan ito ng state dinner sa Malacañang Palace bago lilipad sa Davao City sa Biyernes.

Inaasahang haharap si Abe sa Pinoy business leaders sa Manila at Davao.

“There was a presentation. He’ll be here on Thursday and there will be a state dinner, a state — state dinner. I think there will be details but he will be here on Thursday (January 12, 2017) and he will be in Davao on Friday. There are at least two major things. There will be meet-ups with business sectors, both in Manila and in Davao. Basically, they’ll talk about regional issues, business, counter terrorism, stuff like that,” ani Abella sa press briefing sa Malakanyang kahapon.

Matatandaan na nauna nang nagharap sina Abe at Duterte sa ASEAN Summit na ginanap sa Laos noong Setyembre, ng nakalipas na taon.

Hiniling ni Abe na mabisita ang bahay ni Duterte kaugnay ng gagawing tatlong araw na pagbisita sa Pilipinas, batay kay Abella.

“Apparently, they have struck a certain re­sonant cord between the two of them… and apparently, Prime Minister Abe wants to visit the President’s house. So it’s interesting,” anang ta­gapagsalita ng Palasyo.

Sinabi pa ni Abella na ang mga pinaleng detalye sa pagbisita ng Japanese PM ay iaanunsyo ng Department of Foreign Affairs.