Tokyo: Bach, Suga away sa $3B gastos

Hindi na maidaraos ngayong taon ang 32nd Summer Olympic Games 2020 at ang 16th Summer Olympic Games 2020 sa darating na Hulyo at Agosto sa Tokyo, Japan dahil sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Namameligro pang tuluyang hindi na rin ito maisagawa kahit iniurong na sa kagayang mga nabanggit na buwan sa 2021 dahil sa sigalot ng host country, Tokyo Organising Committee of the Olympic and Paralympic Game (TOCOG) o Tokyo 2020 at IOC officials sa pangunguna ni Thomas Bach ng Germany.

Ito ay matapos magkalabuan ang IOC na nag-backtrack matapos namang mairita ng Japanese Government sa pagsasabi ng IOC na sumang-ayon na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa pagsalo sa dagdag na $3B na gastusin dahil sa postponement ng quadrennial sportsfest.

Nagkaroon ng isang question and answer-style statement sa IOC website noong Miyerkoles kung saan sinabi ng IOC na si Abe ang sasagot ng dagdag na dambuhalang gastusin gaya sa napagkasunduan para sa 2020 hosting at babakas lang ang IOC.

“For the IOC, it is already clear that this amounts to several hundred millions of dollars of additional costs,” giit ng IOC, habang inulit ang komento na sinabi ni President Thomas Bach sa interview ng isang German newspaper.

Obligado man ang Japan na saluhin ang dagdag na gastos sa Host City Contract ng 2020 Olympics at Paralympics base sa pinirmahan sa IOC noong 2013, kinontra ito ni Japan Cabinet Chief Secretary Yoshihide Suga

“It’s not true there has been an agreement on an additional cost burden,” paglilinaw ng Hapones.

Agad na inalis ng IOC ang statement na simulang ng away ng IOC at TOCOG.

Ipinaliwanag ni Tokyo 2020 spokesperson Masa Takaya na ipinag-utos ng organizers sa IOC na alisin ang comment, sa pagsasabi sa isang teleconference sa harap ng Japanese media na hindi anila itama na isubo sa nasabing bagay ang punong ministro nila.

Sa update post ng IOC, sinabi na pag-uuasapan pa nila ng TOCOG ang mga bagong hakbang para malutas ang hindi pagkakaunawaan lalo na ang may kinalaman sa $3B. (Lito Oredo)