WAGI ‘yung pinost na video ni Ogie Alcasid sa Instagram na naiyak ang Japanese cab driver na nasakyan nila sa Japan nang malamang ang sakay nito ay si Regine Velasquez.

Aliw ang nasabing video na kinakausap ni Ogie ‘yung Hapon na fan pala ni Regine at mahilig makinig sa OPM songs.

“Very maganda boses, Regine. Number one!” bulalas ng marunong mag-Tagalog na driver habang naluluha sa tuwa.

Naririnig lang ang mga tawa ni Songbird sa background habang kausap ni Ogs ang Jap driver.
Si Reg naman ay wagi ‘yung IG video na bago sila matulog doon sa Japan ay kinantahan ni Daddy Ogie si Nate ng sabi ni Ogs ay isang ‘Japanese lullabye.’

Nang kumanta na si Ogie, ang binanatan nito ay ang theme song ng Voltes V in Niponggo.
Tuwang-tuwa sa pakikinig si Nate habang si Regine ay laugh nang laugh sa background.

Ang cute ni Nate na sa dulo ng video ay maru­nong magsabi ng, “Arigatou gozaimasu!”

Nag-Japan ang mga Alcasid-Velasquez para sa birthday celebration ng Mommy Tessie ni Reg a.k.a. Mommy V.

Sa Gonpachi na kung tawagin ay ‘Kill Bill Restaurant’ ginanap ang birthday dinner ni Mommy V.

Kasama nila ang pa­rents ni Ogie at mga kapatid nila ni Regine. Na-miss nila si Mang Gerry.
Kahit maulan sa T­okyo ay rampa kung rampa pa rin si Nate habang nakapayong.

***

By this time ay nakabalik na from Japan ang mag-asawang Regine at Ogie dahil kasama sila sa celebrity performers sa 9th Teacher’s Tribute event ng Gabay Guro sa SM MOA Arena.

Si Songbird ang umawit ng theme song ng Gabay Guro na ginawa ng mag-asawang Cacai Velasquez at Raul Mitra.

Si Ogie ay nagpasabi na gusto nitong gumawa ng bagong kanta para sa mga guro na sorpresa niya para sa mga ito.

Malamang mapakinggan ang nasabing song ni Ogie sa big event today.

Mahigit 20 celebrities ang magpe-perform sa grandest teacher’s tribute.

Ang ‘celebrity vo­lunteers’ dito ay walang tinatanggap na professional fee. Usually ay pang-transpo lang at budget para sa kanilang glam team.

Nakakatuwa na ang celebs na tulad nina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Gary V­alenciano, Pops Fernandez at maging sina James Reid & Nadine Lustre ay pawang may soft spot for teachers.

Game silang lahat dahil walang pino-promote na produkto, advocacy ito ng Smart-PLDT, kung saan imbitado ang mga guro galing sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas mula Luzon hanggang Mindanao.

***

Happy, happy Golden Birthday today kay Senator Bong Revilla!!!

One Response