Japeth, Gins tameme sa depensa ng TNT

Japeth, Gins tameme sa depensa ng TNT

Hirap gumana ng opensa ng Ginebra dahil sa pambubulabog ng TNT KaTropa.

Resulta ay nalubog ang Gin Kings 0-2 sa kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals series.

Naunahan ang Gin Kings 95-92 sa opener, mas n­alamog sa Game 2, 88-71 nitong Linggo.

“They did a good job defensively,” bulalas ni Japeth Aguilar. “Wala kaming makuha sa offense namin.”

Nagsumite ng 14 points si Aguilar mula sa 5 of 10 shoo-ting, pero sa kabuuan ay 31 of 73 mula sa field ang Gins at 5 for 23 sa 3-point range.

Napigil ng Ginebra si Terrence Jones na binulabog sa 6 of 20 shooting tungo sa 15 points, pero naka-triple-double pa rin sa sahog na 19 rebounds at 10 assists.

Epektibo sana kay Jones, pero gumana naman sina Jayson Castro, Troy Rosario, RR Pogoy at Brian Heruela na nagsumite ng 11 points pataas.

“Tinry ko lang ma-bother ‘yung shots niya, alam naman natin na NBA-caliber siya, tinry ko lang ‘yung best ko ma-contain siya,” dagdag ni Japeth, natokahan na mambulabog kay Jones.

Para makaiwas sa sweep sa Game 3 ngayong Martes sa MOA Arena, may ilang aspeto ng larong minarkahan ang defending champions.

“We got to capitalize in the situation, like ang daming fast break opportunities na name-miss namin, tapos ang daming turnovers din,” panapos ni Aguilar. (Vladi Eduarte)