Japeth, Greg, LA, Art, Scottie wala sa Game 2

Japeth, Greg, LA, Art, Scottie wala sa Game 2

Balik sa drawing board si coach Tim Cone at Ginebra para solusyunan ang dambuhalang 106-77 loss sa Magnolia noong Lunes.

Tabla na ang PBA Philippine Cup quarterfinals series sa 1-1, balik din ng Smart Araneta Coliseum ang magkaribal para maglag­lagan mamayang alas-7 ng gabi.

Buong Martes at maghapon ng Miyerkoles ang paghahanda.

Ang kitang-kitang nawala sa Game 2 ay ang puntos nina main men Japeth Aguilar, Greg Slaughter, LA Tenorio, Scottie Thompson at Art dela Cruz.

May pinagsamang 63 ang lima sa 86-75 win sa opener, pero sa sumunod ay nagkasya lang sa 30 total. Tanging ang 13 ni Sol Mercado ang bumuhat sa Gins.

Binulabog ni Justin Melton si Tenorio, hindi na halos ginamit ni Cone ang kanyang playmaker sa second half. Gayundin sina bigs Slaughter at Aguilar na may tig-5 points lang. Nag-log ng 24 1/2 mi­nutes si Tenorio, halos 23 kay Aguilar at higit 22 si Slaughter.

Naiwan ng hanggang 87-56 ang Gin Kings na napuwersa sa 20 turnovers at 13 beses naagawan.

Si Joe Devance ay nakabalik na mula apat na larong pagliban dahil sa foot injury, umiskor ng apat sa loob ng 15 minutes.

Para kay Slaughter, kailangan gumana ang outside shots nila para lumuwag ang paint.

“We just got to get more of our teammates involved, try to get some people up, get some outside shots going so we could open up the inside,” aniya.
Noong nakaraan ay 32 of 80 lang mula sa field at 6 for 27 sa 3s ang Ginebra. Sa kabila ay 42 of 94 ang shooting ng Hotshots, 11 for 35 sa long range.

Nakabentahe ang Magnolia sa points off turnovers (26-12), sa paint (48-36), second chance points (22-8) at fastbreak points (18-4).
(Vladi Eduarte)