Japeth kanta ang panlaban sa virus

Nag-iingat na si Ginebra star Japeth Aguilar para makontra ang coronavirus.

At isang paraan para makaiwas dito ay ang pagkanta ng ‘Stupid Love’ ng Salbakuta.

Sa tweet ng kanyang fiancée na si Cassy Naidas, maririnig si Japeth na nira-rap ang isang verse ng sikat na rap song.

Isinabay niya ito sa paghuhugas ng kamay para umabot ng 20 se­cond, na sinasabing dapat na tagal ng pag­hugas para matanggal ang virus.

“Taught @japethaguilar35 to wash his hands for 20 seconds by singing “S2pid Love” until “girly biddie byebye”, which he’s been doing,” ayon kay Cassy. (RP)