Japeth, Scottie, Poy, Paul, Mark emosyonal sa biyahe ng Team PH

Biyahe na pa-Doha, Qatar ang Team Pilipinas Sabado, February 16, para sa huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pero bago lisanin ng mga player­ ng Nationals ang kani-kanilang pamilya, kanya-kanyang pautot muna ng kadramahan ang mga ito.

Sa Instagram post ng Ginebra forward na si Japeth Aguilar, sinabi nitong sobrang mami-miss niya ang kanyang girlfriend na beauty queen na si Cassy Naidas.

“I’m going to miss you silly! i love you so much love of my life,” ayon sa Instagram post ni Japeth.

“OH MY I love you more. Take care of yourself, eat well, hydrate, sleep early & video call any time. I miss you already,” tugon naman ni Cassy.

“I’m proud of you. I know you don’t want to go but you chose to anyway. Shows maturity & dedication,” dagdag pa niya.

Sa Instagram story naman ng misis ng Magnolia guard na si Mark Barroca, binalikan nito ang unang karanasan noong umalis din ang kanyang mister noong naglaro rin para sa bansa sa unang batch ng Team Pilipinas.

“Haha kulit mo. I remember pag aalis din siya before sa Gilas 1, aawayin ko sya kasi miss ko sya. 3 years tayong ganun. Love you!!!” lahad ni Ruselle Barroca.

Napuno naman ng sweetness ang pag-alis ni Scottie Thompson, na makikita kung gaano kaalaga ang kanyang dyowa na si Pau Fajar­do na inaayos ang gamit na dadalhin ng Ginebra star paibang bansa.

Bago naman lumipad pa-Qatar ay nag-propose muna si NLEX center Poy Erram dahilan para uma­lis ng bansa na may dagdag-motibasyon.

Ang Magnolia scorer naman na si Paul Lee ay first time mangungulila sa kanyang mag-ina, at huma­nga pa sa mga OFW dahil sa sakri­pisyong ibinibigay para sa pamilya at sa bansa.

“Some quality time and talking­ to my daughter before I leave tomorrow morning. Gonna miss you baby,” ayon sa Instagram post ni Lee.

“First time ko maiiwan yung mag-ina ko ng ganito katagal medyo mahirap pala, sa mga nag OFW dyan saludo po ako sa inyo.”

Lalaban ang Team Pilipinas kontra sa Qatar sa Pebrero 21 at kontra sa Kazakhstan sa Pebrero 24.